XII.

549 13 0
                                    

Gela's POV

"Grabe Da! Selos?" Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at inalog alog iyon. "Grabe na itu." Dagdag ko pa saka ko siya hinalikan sa labi niya. Madiin at may katagalan para hindi niya isipin na ikinakahiya ko siya. Na kahit pareho kaming babae ay kaya ko siyang ipagmalaki sa iba.

"Busog na tuloy ako." Aniya pagkalas ng labi ko sa labi niya. "Tara na, wag na tayong kumain." Dagdag niya pa sabay hila sa akin at tumayo na siya.

"Teka. Nagugutom ako eh." Sagot ko sa kanya saka ako huminto sa paglalakad. "Tsaka yung sasakyan, hindi pa tapos paliguan." Dagdag ko pa sa kanya.

"Tara na nga don Da, kasi pipili tayo ng ulam." Pabirong sagot niya saka ako hinila sa harapan ng karinderya kung saan nakalagay ang mga ulam.

Gagang 'to, akala ko hindi na ako papakainin eh. Hindi pa naman ako nabusog sa siopao na dinala niya, parang hindi pa nga bumababa sa sikmura ko dahil hindi siya nakapag-dala ng panulak.

"Sisig tsaka giniling sa'kin Da." Bulong ko sa kanya. Iyon naman ang madalas kong orderin sa lahat ng karinderya eh.

"Alam ko Da. Lagi naman ganon." Sagot niya sa akin. "Ate, isang order nga ng Sisig, giniling tsaka Sinigang na Bangus at saka 4 na kanin." order niya kay Ate pag-kabaling niya ng tingin sa nagtitinda.

"Ate, softdrinks na rin." Pahabol ko sa nagtitinda.

Napalingon sa akin si Joper at sinamaan pa ako ng tingin. Aba, aba. Ginaganito niya na ako ngayon ah.

"Ang aga ng softdrinks mo ah." Sabi ni Joper saka pinisil ang ilong ko ng madiin. ANG SAKIT! Nakakainis 'yon.

"HANG-OVER!" Pagalit kong sagot sa kanya saka ako bumalik sa kinauupuan namin kanina habang hinihimas-himas ko ang ilong ko. Mangiyak-ngiyak akong nagtungo sa pwesto namin kanina dahil sa sobrang sakit nga ng pag-pisil na ginawa niya. Nakakapikon.

Nakasuot ako ng shades kaya hindi niya makita kung nasaan nakatingin ang mga mata ko. Papalapit na siya sa akin at ang tanging bitbit lang niya ay ang softdrinks.

"Sorry Da. Nakakagigil ka kasi eh." Sabay lapit sa akin ni Joper. Iniirap-irapan ko pa siya kahit na hindi niya naman ako nakikita.

"Look what you've done." Sabay turo ko sa ilong ko. "Para akong may hickey sa ilong." Dagdag ko at mangiyak-ngiyak pa rin ako. Makikipag-pustahan ako dito sa gagong 'to, magkakapasa 'tong ilong ko at malamang sa tuktok pa ng ilong ko.

"Sorry na. Eto na yung softdrinks mo." Ani Joper sabay abot sa akin ng isang bote ng softdrinks, may straw naman 'yon kaya hindi ko kailangang tunggain.

"Thank you." Padabog kong sagot sa kanya. Tingnan mo, bibigyan din pala ako kailangan pa akong samaan ng tingin at sa ilong pisilin.

***

Naboboring akong nakatabi lang kay Joper mula 9 ng umaga hanggang ngayon na mag-aalas singko na. Binibilhan niya na lamang ako ng kung anu-anong hilig kong kainin at paminsa'y naglalaro sa phone niya, sana pala dinala ko yung phone ko.

Mula pa kasi nung umalis si Lyko sa bahay hanggang ngayon ay hindi ko pa hinahawakan ang phone ko, wala naman akong importanteng hinihintay na message eh, si Lyko lang ang madalas na laman ng inbox ko.

Okay na kaya siya ngayon? Sana naman kapag nag-usap kami o kaya kapag kinausap ko siya mahinahon na siya. Masyado lang din siguro akong natakot sa ipinakita niyang asal sa akin kaya pinaalis ko siya ng bigla.

"Sorry..." bulong ni Joper sa akin habang inililigpit na ang mga papel na kanina pa niya inaasikaso. Mabuti nga at natapos na 'yong ibang dapat gawin eh, kung hindi siguro ako nag-prisinta na ako na lang ang mag-tatype ng mga details sa excel ay malamang hindi pa siya tapos. "May pupuntahan tayo mamaya, pambawi ko sa'yo." Sabay kindat niya sa akin. Alam siguro niya na medyo naboboring na ako na totoo naman dahil halata na sa kilos ko pero ayos lang naman sa akin, hindi ko lang talaga siguro kaya na nag-iistay lang sa iisang lugar at gumagawa ng iisang bagay lang.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon