Gela's POVPagkagaling sa suite ko ay kinuha ko lang ang gamit ko roon at umalis na rin kami agad ni Melanie. Nang tawagan ako ni Mama kanina ay sinabi ko na agad sa kaniya na hindi na ako tutuloy dahil biglang nagka-problema, biglang nagkaroon ng emergency. Kilala nila si Joper kaya naman naiintindihan nila na kailangan niya ako kahit pa malabo na ang relasyon namin ngayon.
Nasa St. Michaels Hospital daw sila bandang Quezon City area kaya naman medyo may katagalan ang magiging byahe namin. Sa sobrang traffic ba naman sa EDSA ay hindi malabong abutin kami ng 2 o 3 oras bago kami makarating ng ospital.
Dahil sa puro gasgas at bukol lang naman daw ang nakuha ni Ian ay nagawa niya akong tawagan. Si Joper ay hindi pa raw nagigising dahil sa pagkaka-umpog nito sa manibela ng sasakyan niya. Nag-aalala ako, sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Masama nga ata talaga kapag may pumipigil sa pag-alis mo, 'yon 'yong sabi sa mga pamahiin pero imbis na sa akin may mangyari, ang taong mahal ko naman ang napahamak.
Sobrang traffic. Naiinis na nga ako at gusto ko ng paliparin itong sasakyan ni Melanie. Lord, kahit ngayon lang, paliparin mo kami para makarating agad sa St. Michaels Hospital.
"Malapit-lapit na tayo. 'Wag kang mag-alala." Hinawakan ni Melanie ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Melanie is not bad at all. She has a heart, she is kind, ngayon lang talaga siguro lumabas because if not, hindi siya mag-eeffort na mag-explain sa akin at hindi siya maglalakas ng loob para aminin ang lahat ng kamalian na nagawa niya. Tumango lang ako sa kaniya.
Ilang sandali lang ay narating na namin ni Melanie ang ospital. Agad akong tumungo sa nurse desk kung saan pwedeng magtanong kung nasaan ang kwarto ng pasyente. "Nurse, Excuse me. Saan ang room ni Joper Miranda?" Kung tutuusin pwede ko naman tawagan si Ian para alamin ang room number nila pero hindi naman siya sumasagot, kahit nga si Melanie ay sinubukan na rin na itext si Ian pero wala.
Nagtinginan ang mga nurses na naroon sa area at tiningnan ako. Medyo nainis ako dahil bakit kailangan tingnan pa ako ng ganon at nginitian ng nakakaloko. "Mam, room 19 po." Sabay tinginan ulit nila at medyo napapahagikgik na.
"May problema ba? Anong nakakatawa?" Halos nagtataray na ako dahil sa pinapakita nila sa akin. Si Melanie ay nagulat sa biglang pagbabago ng tono ng pananalita ko kaya hinawakan niya ako sa braso. "Wala akong ganang makipagtawanan sa inyo ngayon mga Ms, kung 'yan man ang gusto niyo." Saka ako umalis sa harapan nila. Nakasunod naman sa akin si Melanie.
Hinanap ko kung nasaan ang room 19, halos mapamura na nga ako dahil ang gulo ng numbering ng kwarto ng ospital na 'to. Nang makita ko ang room 19 ay agad kong hinawakan ang door knob para pihitin pero napatigil muna ako dahil may tumutugtog sa loob nito. Pamilyar ang kantang iyon sa akin at hindi ako pwedeng magkamali. "This time..." lumingon ako kay Melanie. "Pwede pa lang magpatugtog sa loob 'no?" Nagtatakang tanong ko at saka ko na nga binuksan ang pintuan ng naturang kwarto.
Pagpasok ko ay nakita ko si Ian na naka-upo sa sofa na biglang napatayo at pinindot ang isang maliit na speaker maging ang cellphone nito at may narinig akong nagsalita.
DECEMBER 19.
Today is our FOUR YEAR ANNIVERSARY. It's officially been 1,461 days, 208 weeks and 48 months since I have fell in love with you.
During that time, I've had the best years of my life. I'm so happy you came into my life, you accepted me and you helped me into becoming a better person and I am grateful for that.
I just wanted to say "SALAMAT SA EXPERIENCE." For giving me a chance when everybody else didn't. For loving me when I thought nobody would. For being there for me when I felt like I had no friends. Sa suporta, sa paniniwala at sa pagpapalakas ng loob ko sa lahat ng bagay lalo na pag sinasabi ko sayo, "Da, hindi ko ata kaya." Thank you for turning out to be the best thing that's ever happened to me.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...