XVI.

443 11 0
                                    

Joper's POV

"Da, galit ka ba?" Tanong sa akin ni Gela pagkapasok namin sasakyan. Hindi naman ako galit sa kanya eh. Ayaw ko lang masyadong umimik ngayon dahil feeling ko puro kadramahan ang lalabas sa bibig ko. "Uy, sumagot ka naman Pango. Sakang." Dagdag pa niya. Hindi ko siya nililingon, hindi naman sa tinitiis ko siya pero ayaw ko lang na sa daan kami abutan ng pag-iyak ko. Baka hindi ko kayanin eh. "Naman eh." Nag-uumpisang pagmamaktol ni Gela sa akin. "Wag ka na magalit Da. Sorry na. Ano ba 'yon?" Pangungulit niya na. Nagulat na lang ako ng bigla niyang tanggalin ang seat belt niya. "Ibaba mo na lang ako." Sabi niya saka niya kinuha ang gamit na na nasa bach seat. "Daig ko pa walang kasama sa sasakyan eh." dugtong niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Dire-diretso lang ang ginawa kong pagmamaneho sa kanya. Kahit kailan talaga napaka-iksi ng pasensya, yan ang gusto ko kay Gela, siya 'yong nagpapalambing dahil alam ko naman na hindi siya talagang sweet na babae.

Malapit na kami sa lugar namin at ihininto ko muna ang sasakyan ko sa court na dinaanan namin. "Da. Hindi naman ako galit." Pagsasalita ko. Siya naman ngayon ang hindi namamansin. "May sasabihin ako sa'yo mamaya." Dagdag ko pa saka ko inabante ulit ang sasakyan para maiparada ko na at ng makapagluto na ako ng dinner para sa kanila ng Bespar niya.

Tinulungan pa rin naman ako ni Gela sa pagbitbit ng mga kaya niya, ang gamit niya iniwan na muna namin sa sasakyan dahil pwede ko naman balikan iyon mamaya.

Nagsisipagtahulan na ang mga aso sa amin, akala mo may dumating na artista, ang ibang kapitbahay nasa labas at nag-titsismisan pa rin kahit papagabi na.

"Yung susi ko Da?" Tanong sa akin ni Gela. Nakalimutan ko nga pala na kinuha ko iyon kaninang umaga sa kanya kasama ng susi ng sasakyan niya.

"Andito pala sa bulsa ko. Paki-kuha na lang Da." Sagot ko sa kanyang nakanguso sa bandang kaliwang bulsa ng pantalon ko.

Agad niyang kinuha iyon para mabuksan na ang gate at makapag-umpisa na ako sa pagluluto ko. Alas sais y media pa lang naman kaya hindi ko kailangan na magmadali.

"Da, uwi ka muna, mag-bihis ka tapos i-uwi mo muna gamit mo bago ka mag-luto." Sabi ni Gela sa akin pagkalapag ko ng mga pinamalengke ko kanina. "Ano bang lulutuin mo?" Tanong niya sa akin habang iniisa-isa ang plastik ng ipinamili ko.

"Sinigang na Bangus at saka Chicken Feet Adobo." Sabi ko sa kanya. Alam kong iinom sila at paborito iyon ni Tintin kaya 'yon talaga ang binili kong pamulutan nila.

"Eh bakit ang dami mong pinamili?" Gulat na tanong ni Gela sa akin.

"Para may laman 'yong ref mo, para may mailuluto ako habang andito ka pa sa tabi ko." sagot ko sa kanya sabay haltak ng marahan sa braso niya at niyakap ko siya.

"Sorry..." rinig kong sabi niya kahit nakasubsob siya sa leeg ko. May naramdaman din akong mainit na likidong dumampi sa leeg ko kaya agad ko siyang inilayo sa katawan ko at tinignan sa mata.

"Oh! Bakit ka umiiyak Da?" Tanong ko sa kanya. Ako dapat ang iiyak kasi aalis na siya, bakit siya pa ata 'tong umiyak.

"Ayaw ko kasing umalis Da eh. Gusto ko magkasama lang tayo." Sagot niya sa akin. Doon na ako naiyak sa sinabi niyang iyon. Pero hindi na kami mga bata ni Gela hindi na kami estudyante tulad ng dati na hihilingin na sana andito ka nalang lagi sa tabi, hindi na. "Kaya lang kasi para sa'tin din kasi 'to di'ba?" Dagdag niya. Naaawa ako sa mga hikbing binibitawan ni Gela.

"Opo. Gagawan naman natin ng paraan 'yong pagkikita natin di'ba?" Sabi ko sa kanya. Para kaming nasa teleseryeng nag-iiyakan. "Tahan na Da. Mahal mo naman ako eh, mahal na mahal naman kita kaya walang magbabago sa relasyon nating dalawa. Sa'yo lang ako Da, akin ka lang." Sabi ko sa kanyang nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Tumango lang si Gela bilang tugon at saka ko pinunasan ang bahid ng luhang nanggaling sa mga mata niya.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon