Joper's POV
Ang lahat ay nag-aabang sa susundo kay Gela ngayon. Ayaw ko ng umiyak dahil paalis na si Gela, isang buwan lang siyang mawawala at babalik na siya dito, isang buwan lang ang hihntayin ko at makakasama ko na ulit siya. Mag-reresign na siya after one month at masaya ako sa desisyon niyang iyon. Kung tutuusin naman ay pwede niya ng gawin ang mag-resign ngayon kaya lang ay ayaw niyang masira sa boss niya. bka adaw kasi isipin ng Boss niya na kaya aayawan niya ang boss niya ay dahil sa paglipat nito ng wala man lang iniaalok na promotion. Naisip na rin pala ni Gela iyon bago pa man pagtakhan ng mga kaibigan niya iyon.
"Anong balak mo Bespar?" Tanong ni Gela kay Tintin na busy sa panonood ng movie. "Dito ka na titira? Bawal mahalay dito ah." Dagdag ni Gela sa kanya.
"Wala lang. Inaabangan ko lang 'yong hindi mo pag-alis." Kaswal na sagot ni Tintin na medyo ipinagtaka ko lang naman. Hindi man lang din kami nagawang lingunin ni Tintin. Kampanteng-kampante siya. Sana ganyan din ang nararamdaman ko ngayon, 'yong parang kampante akong nanonood dahil hindi na aalis si Gela, pero wala eh, tuloy talaga siya sa pag-alis niya patungong Boracay.
Napa-iling na lamang si Gela at hindi na sumagot pa sa sinabi ni Tintin sa kanya. Maya'y-maya ang pagtingin ni Gela sa relo niya at kung minsan naman ay sa phone niya.
Hawak ko lang ang kamay niya habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Gela. Naalala ko lang 'yong mga pinag-usapan namin kagabi. Kung malakas lang daw ang loob niyang bitawan agad ang trabaho niya ay hindi niya na kailngan pang paabutin n isang buwan bago siya mag-resign. Natatakot siyang hindi makahanap agad ng trabaho dahil na rin sa dami ng mga nagtatapos sa kursong katulad ng kimuha niya. Lalo pa at alam niyang basta mayroon kang experience sa ppag-OOJT sa isang hotel ay may tsansa kang matanggap agad. Mas nanaisin naman daw kasi ng ibang hotel na maganap ng bago kaysa sa luma, iyon ang katwiran niya sa akin.
"Hindi na darating 'yon Bespar." Biglang sabi ni Tintin na hindi man lamang kami nililingon. Napatigil ang iba sa pag-uusap at si Alex naman ay nakurot na ang pisngi dahil naninibago siguro siya sa pinagsasasabi ni Tintin sa amin kanina pa.
"Baliw ka talaga Tintin." Sagot lang ni Gela sa kanya.
Tumayo si Tintin at umakyat. Siguro ay pumunta sa kwarto, siguro nalulungkot lang din iyon dahil ngayon lang din sila mag-kakalayo ng Bespar niyang si Gela. Parang magkapatid ang naging turingan nitong dalawang 'to. Halos walong taon na rin ang pagkakaibigan nilang apat. Ang tatag nila, kung ganon katatag si Gela sa mga kaibigan niya, malamang sa akin ganon din katatag si Gela.
"Anong problema non?" Tanong ni Shin sa amin.
"Pare-parehas lang natin na hindi alam, ano ka ba Shin." Segunda naman ni Rea. Ngayon lang ata nila nakitang ganon umasta o kumilos si Tintin kaya medyo nagtataka rin kami.
Hindi naman nagtagal ay bumalik rin si Tintin. May dala-dala siyang sobre. Hindi lamang isang sobre kundi dalawa. Ano naman kaya ang laman noon, tumatakbong tanong sa utak ko.
"Kailan mo pa ako binigyan ng sulat Bespar?" tanong ni Gela kay Tintin ng iabot nito ang sulat sa kanya. Hindi naman umimik si Tintin, bumalik lang siya sa inuupuan niya kanina.
Ang lahat ay nag-aabang sa kung ano man ang nilalaman ng sulat na bigay ni Tintin kay Gela. Naki-silip na rin ako sa binabasang sulat ni Gela, hindi naman siya tumutol sa ginawa kong iyon.
Tahimik lang ang lahat sa pagtingin at pagtitig kay Gela habang siya ay nagbabasa, wala man lang naging reaksyon si Gela sa habang nagbabasa siya. Samantalang ako, gusto ko ng maiyak, maiyak hindi dahil aalis na si Gela patungo sa Boracay kundi dahil sa saya na nararamdaman ko habang binabasa ang liham na naunang ibinigay ni Tintin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...