THIRTY FIVE

218 4 0
                                    


Joper's POV

Ilang araw na rin mula noong huli kaming nagkita ni Gela. Hindi ko siya nakikitang lumalabas ng bahay, hindi ko nakikitang nagbubukas ng ilaw ang kwarto niya, ni hindi ko alam kung andyan pa ba siya o wala na.

Mali ako, alam kong mali ang nagawa ko. Walang video na ipinakita sa akin si Melanie pero ang dami naming pictures dalawa. Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon pero gising ako sa litrato. Hindi ko pa rin sigurado kung may nangyari o wala pero kahit sino ata ang makakita sa mga litrato ay iisiping oo, meron nga.

Gustong-gusto ko siyang tawagan pero natatakot ako na baka hindi na active 'yong number niya. Lagi ko siyang naaalala, lagi ko siyang hinihintay na dumaan palabas sa kanila, lagi kong sinisilip ang sasakyan niya kung umalis ba siya o hindi pero laging andoon ang kotse niya sa kung saan pa rin naka-park.

Kumuha ako ng isang buwan na bakasyon, naki-usap ako sa DOH, nagdahilan ng kung anu-ano at pinayagan naman nila ako. Hindi kasi ako makapag-concentrate sa trabaho ko, napansin din iyon ng kapwa ko midwives at co-workers ko sa center.

Si Ian, nilapitan ko na rin siya tungkol kay Gela pero wala, wala siyang balita dahil tulad ko, 'yon na rin pala ang huling araw na nakita niya at nakasama si Gela. Sabi pa ni Ian, sobrang pag-iyak daw ang ginawa ni Gela noon. Awang-awa siya dahil sa nangyari. Nakaramdam pa nga raw ng galit sa akin si Ian dahil sa pangyayaring iyon. Kinuwento pa nito na hinanap ako ni Gela maging sa health center ay pinuntahan niya pa ako.

Mag-aalas sais na, pagabi na rin at andito ako sa tindahan kung saan kitang-kita ko ang bahay nila Gela, nagbabakasakali na baka magbukas siya ng ilaw sa kwarto o kahit sa kusina man lang sana.

"Hoy Joper, anong nangyari?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Tintin sa gilid ko, kasama niya si Lyko.

"Si Gela? Nasaan si Gela?" Naiiyak na akong tinatanong si Tintin.

"I... I actually don't know. Kaya nga andito ako, kami, kasi simula noong Tuesday hindi pa siya pumapasok." Tugon ni Tintin. "What happened?" Dagdag pa nito.

Hindi ako kumikibo, nahihiya ako na ikwento kay Tintin ang nangyari. Hindi pa siguro ako handa na sabihin iyon dahil bukod sa nakakahiya ay baka pati si Tintin ay magalit pa sa akin.

"Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa'kin. Mababaliw na 'ko Tintin." Umiiyak na ako. Ni hindi ko na ininda kung may makakita pa sa akin na kapitbahay na ganito ang hitsura ko.

"I think she changed her number. Unattended eh." Si Lyko iyon na sinusubukang tawagan si Gela. Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niyang iyon.

"May susi ka ba ng bahay?" Susi ni Gela ang tinutukoy niya. Hindi ko man lang naisip na pasukin ang bahay ni Gela para kamustahin siya.

Tumango lang ako at agad na tumayo, dali-dali akong pumasok sa bahay para kunin ang susi ng bahay nila sa drawer ko. Pag-akyat ko sa kwarto ay hinanap ko agad iyon, "Gela..." anas ko habang pabalik na ako sa tindahan kung saan ko iniwan sila Tintin.

Nang makita nilang palabas na ako sa gate ay tumayo na sila at nauna na sa tapat nila Gela. Tumakbo na ako para buksan iyon agad, sana andyan si Gela, sana andyan siya.

Pagbukas ng gate ay agad ko rin sinusian ang double lock nila Gela. Pagbukas ko sa pinto ay bumulaga sa amin nila Tintin ang bote ng alak sa sahig at ang cellphone niya na nakapatong lang sa ibabaw ng center table niya.

"Oh God. Gela..." si Tintin iyon na agad tinakbo ang hagdan para puntahan siya sa kwarto nito.

Nanlumo ako sa ilang bote ng alak na nakita kong nakakalat lang sa sahig. Inilibot ko ang mata ko, walang ibang kalat kundi ang mga bote lang ng alak, kahit ang dining table niya ay alak lang din ang laman. Tinungo ko ang refrigerator para silipin kung ano ang laman noon, hindi ako nagkamali, hindi nagalaw ang laman ng refrigerator ni Gela. Sinilip ang kitchen sink, nag-iisang baso lang ang nakita ko.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon