Gela's POV
Madaling araw pa lang ng magising ako sa ingay ng phone ni Lyko. Hinanap ko iyon at nakita sa ibabaw ng side table ng kama sa side ko pa talaga.
"Babe..." mahinang tawag ko sa kanya saka inalog-alog siya. Nahihilo pa kasi ako, ang ingay ng cellphone niya, kanina ko pa iyon naririnig pero binabalewala ko lang dahil sa pinaghalong hilo at antok ko. "May phone call ka." Dugtong ko para magising na siya
"Hmm." Ungol lang ang narinig ko sa kanya. Dahil sa kapilyahan ko, itinutok ko sa tenga niya ang phone niya, pamilyar naman siguro siya sa ringing tone niya eh. "Phone call." Biglang balikwas niya sa kama.
Natawa ako. Pakiramdam ko nabuhayan ako dahil sa reaksyon niya. Ang sama ko ata. "Who's calling Babe? Late na kaya." Tanong ko na lang habang nangingiti-ngiti pa.
"Si Aira Babe." Sagot niya. Akala mo hindi ko siya biniro, ang kaswal ng pagkakasagot eh.
"Answer it Babe. Baka kung ano ng nangyari sa kanya." Sabi ko kay Lyko. Madaming araw na rin kasi pero tignan mo naman at napakaraming tawag at texts na.
"You sure?" Tanong sa akin ni Lyko. Well, oo naman no. Sasagutin lang naman yung phone call eh, at wala ng iba.
Tumango lang ako. Hinintay na lang ulit namin na tumawag ulit at hindi nga kami nagkamali, tumawag ulit iyon at agad naman na sinagot ni Lyko.
"Hello?" Patanong niyang sagot sa phone niya.
"You know what, I love you. I really really love you." Biglang salita ng babae sa kabilang linya, naka-loudspeaker ang phone ni Lyko para marinig ko iyon. Hindi umiimik si Lyko.
"Iniwan mo ko bigla dahil lang sa babaeng yan. Akala ko ako ang true love mo? Akala ko ako lang ang mamahalin mo? Akala ko ako ang huling babaeng mamahalin mo?" Patuloy na pagsasalita ni Aira sa kabilang linya. Tahimik ang paligid at mukha namang wala siya sa bar.
"Akala ko walang iwanan Lyko?" Mga huling salitang narinig namin mula sa kabilang linya saka nag-end na ang tawag.
"Call Benj or Art or Niko." Sabi ko kay Lyko. In fairness nag-aalala ako sa babaeng iyon kahit hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin noong isang araw sa restaurant. "Itanong mo kung alam ba nila kung nasaan si Aira." Pahabol ko.
Tinawagan nga ni Lyko ang tatlo. Narinig ko ang pahinga ng malalim ni Lyko, ibig sabihin ayos lang ang bruhang iyon.
"Kasama pala nila, kaharap lang nila habang nagsasalita. Doon na lang daw muna kila Benj mag-stay." Ani Lyko pagkababa niya ng phone niya.
Walang kagana-ganang ipinatong ni Lyko ang phone niya sa side table sa gawi niya. Nakatihaya siya at nakatingin sa kisame, puro glow in the dark kasi na sticker iyon. Ganon din naman ang pwesto ko.
"Babe..." tawag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Thank you." Aniya at pinisil ng mahigpit ang kamay ko. "Thank you kasi binigyan mo ako ng chance na iparamdam sayo at ipakita na mahal kita." Dagdag niya. Napatingin ako sa kanya.
"Thank you rin." Sagot ko sa kanya. "Thank you kasi naiintindihan mo ako, inaalagaan mo ako, inaasikaso, binibigyan ng oras mo at ng atensyon mo." Dugtong ko. Medyo naiiyak ako habang sinasabi ko iyon sa kanya dahil, yun yung mga bagay na gusto kong ibigay ni Joper sa akin.
Alam ko sa sarili kong mahal ko pa si Joper. Sa kanya ako natutong mangarap, sa kanya ako natutong magsakripisyo at maging matapang. Mga pangarap na akala ko matutupad namin. Mga sakripisyong ginawa ko para maisalba kami at mga bagay na kailangan ko ng tapang para tumibay kami.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...