XIX.

322 9 0
                                    

Gela's POV

Nilayasan ko si Joper habang palabas ako ng hotel. Nagseselos ako sa wallpaper na nakalagay sa phone niya. Noong nakaraan kasi na nag-laro ako sa phone niya ay hidni ko naman masyadong pinansin 'yong wallpaper dahil agad itong nakalagay sa gusto kong laro.

Tanggap ko naman kung sakaling may password nga 'yong phone niya eh. Siguro kaya ko pang intindihin na baka nakalimutan lang niyang alisin pero 'yong wallpaper, parang mawiwindang ako dahil si Melanie iyon na naka-kiss sa labi ni Joper.

Sa totoo lang, kami ni Joper, iilan lang ang pictures namin na magkasama kami at hindi pa sweet iyon. Puro wacky at hindi naman kami masyadong dikit na dikit. Ang unang picture pa nga namin ay si Jean pa ang kumuha, noong birthday celebration niya.

Halos patakbo na akong lumabas ng hotel kaya nakalabas ako agad at nakarating sa convenience store sa tapat nito. Naka-short ako at malaking t-shirt na lumabas sa hotel kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit nakatingin ang ibang taong nakakasalubong ko.

"Da..." sabay hablot ni Joper sa kamay ko, infairness masakit 'yon. "Tignan mo nga 'yong suot mo, nakatingin sa'yo lahat ng nakakasalubong mo." Sabi ni Joper na halos pasigaw pa iyon. Alam kong napatingin ang mga tao sa convenience store sa amin dahil sa lakas ng boses ni Joper.

"Nakakahiya ba?" Sagot ko sa kanya. Hindi naman pabulong iyon pero hindi ko hinayaan na may makarinig sa amin. Pumiglas ako sa pagkakahawak ko sa kanya at nagtungo sa estante kung nasaan ang mga pwedeng kainin ng instant lang. "Sorry ah. Hindi ako kasing-sexy ni Melanie kung manamit." Dagdag ko sa kanya, alam kong natigilan siya sa sinabi ko. Nagseselos kasi ako, bakit hindi ko maiwasan 'to, mag-selos.

"Da..." tawag niya sa akin ng marahan at hinawakan ang kamay ko.

"Anong gusto mo? Instant Ramen?" Tanong ko sa kanya at pilit na binabalewala ang pagtawag niya sa akin. Pinipigilan ko ang sarili ko siyempre, ayokong mag-eskandalo sa convenience store at ayokong masira itong out-of-town na pinlano ni Joper para sa aming dalawa. "Kanin gusto mo? Meron kasi silang kanin dito tapos pinapa-init na lang nila sa microwave." Dagdag ko saka ako nagtungo sa counter at inilagay doon ang dinampot kong instant noodles at ibang pang junk foods, candies at kung anu-ano pang pagkain na pwede namin mangata kung saang lupalop man kami makarating.

"Da, hindi mo ba talaga ako kikibuin?" Tanong niya sa akin habang hawak ang baywang ko.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya. "Kuya, Lasagna dalawa at saka Bicol Express at Dinuguan." Sabi ko sa nagtitinda dahil hindi naman ako sinagot ni Joper sa tanong ko.

Pagka-order ko non ay naupo muna kami ni Joper pero hindi ko pa rin siya kinikibo, ayokong magsabog kami. Baka hindi ko 'to matantya at madaliin ko siyang umuwi na pabalik sa Manila.

Habang naghihintay ay siya namang kalikot ni Joper sa phone niya, dinala pala niya ang telepono niya, pero 'yong akin hindi man lang naisip na dalhin.

"Da..." tawag ni Joper sa akin habang pinapakita ang phone niya pero hindi ko naman makita iyon dahil namatay ang screen nito. "Sorry, eto na." Pinakita talaga niya sa akin na wala na itong password at ang wallpaper, parehas na kami.

Napangiti ako sa ginawa niya, eh asan na 'yong picture nila ni Melanie, dinelete ba niya? Dinelete kaya niya? "Gaya-gaya." Tangi kong nasabi sa kanya.

Hindi na lang siya sumagot pa at dumikit na lang siya sa akin. Sakto naman pagdikit niya ay lumapit sa amin ang crew ng convenience store at iniabot ang binili namin. Bayad naman na 'to kaya wala ng problema.

Paglabas namin sa convenience store ay may batang tumatakbo papalapit sa amin ni Joper at hinila ang oversized t-shirt ko. "Ate, ano pong cellphone number mo?" Sabay abot sa akin ng bata ng Iphone 6 niya. Pilit niyng pinapahawak sa akin 'yon para ako na mismo ang maglagay ng number ko.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon