FINALE

1.2K 15 0
                                    


Isang buwan na ang nakakalipas mula ng maging maayos na ang lahat sa amin ni Gela. Kay Melanie, Aira at Jaja, okay na rin at nagkapatawaran na. Naging parte na rin sila ng pagkakaibigan namin, kasama na rin sila sa mga small gatherings at mga gimiks. Masaya at naging maayos na ang lahat, masaya dahil nadagdagan kami ng kaibigan.

Tulog pa si Gela ngayon at tinititigan ko siya. Tanghali na pero nakahiga pa rin kami sa kama. Nasa out of town kami ngayon para i-celebrate ang birthday niya ngayon. Pangalawang araw na namin dito at mas lalo ko nararamdaman na habang tumatagal ay minamahal ko siya ng minamahal.

Kagabi bago siya makatulog dahil sa kalasingan niya ay may plano na akong gawin para ngayon. Ang alam niya eto na ang regalo ko sa kaniya pero siyempre hindi ako papayag na hindi siya masorpresa ng husto. 'Yong tipong mapapaiyak siya sa sobrang saya. 'Yong hahampasin niya ako sa inis dahil nasorpresa siya. 'Yong yayakapin niya ako at maiiyak siya dahil wala siyang masabi. Hahahaha.

Bumangon na ako at hinayaan na muna siyang matulog, sinalubong namin ang birthday niya kagabi ng kami lang dalawa at hindi ko naman inaasahan na malalasing siya ng sobra.

Naligo lang ako sandali at tinawagan ang mga dapat tawagan. Maayos na pala ang lahat at ang pag-gising na lang ni Gela ang hinihintay. Takot akong maistorbo si Gela sa pagtulog dahil alam kong totopakin siya at baka sumakit ang ulo nito lalo.

Palabas na sana ako sa suite para puntahan ang sorpresa ko sa kaniya sa labas ng marinig kong parang may nalaglag na kung ano sa loob ng kwarto. Agad akong tumakbo pabalik at nakita si Gela na nasa sahig na, naka-upo. "What happened?" Tanong ko sa kaniya habang nilalapitan siya. Hindi siya umiimik kaya naman sinilip ko ang ginagawa niya. "Ba't naman nagkaganyan 'yan?" Kalas kalas ang phone niya. Natanggal ang takip sa likod at ang battery ay natanggal din. Lumapit ako at ako na ang pumulot noon, nakahawak siya sa noo niya at naka-upo pa rin at nakasandal sa kama.

"May tumatawag kasi..." sagot niya sa akin na nakapikit ang isang mata at nakahawak sa sentido niya. "Nahihilo pa po 'ko." Dagdag nito sa akin. Naamoy ko pa si Gela na amoy alak pero hindi naman ako nagreklamo sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo.

"Happy Birthday Da." Hinawakan ko rin ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa labi. "I love you." At hinalikan ko pa ulit siya.

Naka-ngiti lang siya sa akin at bigla niya akong niyakap. "Salamat Da. Masaya ako na kasama kita ngayon." Halata kay Gela na masaya siya. Sa tono ng pananalita niya at sa sigla nito ay hindi mo mababakasan na malungkot siya kahit pa hindi niya kasama ang pamilya niya sa pag-celebrate ng kaarawan niya.

"Masaya rin po ako dahil ako ang kasama mo ngayon." Magmula noong mas maging maayos kami ay natutunan ko na kung paano maging vocal sa kaniya lalo na pagdating sa nararamdaman ko, naging transparent na rin ako sa kaniya, naging showy at talagang masarap sa pakiramdam na lahat nakikita niya at nararamdaman niya ng buong buo mula sa akin. "Maligo ka na Da." Tumayo ako at itinayo ko na rin siya.

Hindi niya na ako sinagot pa. Agad siyang nagtungo sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili niya habang ako naman ay lumabas muna para manood ng TV sa sala ng suite namin dalawa.

Gela really wanted to celebrate her birthday with her friends, especially with her family but her friends were busy as well as her family so she agreed celebrating this day out of the town with me.

A few minutes later Gela went out of the bathroom wearing skinny jeans and a plain dark green tee-shirt which was actually mine. She didn't bother herself to dry her hair, she just tied it up and walk towards me. "Tara na Da." Nakatitig lang ako sa kaniya habang siya nakatayo sa harapan ko at ako ay naka-upo sa sofa.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon