Gela's POV
Pagsakay ko sa driver's seat para magmaneho na pabalik sa Java Hotel ay gumugulo pa rin sa isip ko kung magreresign ba talaga ako o hindi. Ayoko ko kasing iwan si Joper, hindi dahil sa baka lokohin niya ulit ako kundi dahil ayaw ko ng mag-kalayo kaming dalawa. Napaka-immature kung ganoon ang gagawin ko pero gusto ko lang naman na maging masaya na ang magiging relasyon naming dalawa.
Pinatawagan ko siya kay Aira para kausapin niya ito ng maayos. Ayaw ko kasi ng may nasasaktan kaming pareho dahil lang sa relasyon na meron kami ni Joper. At siyempre, gusto ko na rin na matahimik ang relasyon na naayos na namin.
Nagriring na ang phone at ang pag-sagot na lamang ni Melanie ang hinihintay namin ni Joper, ni-loud speaker iyon ni Joper para raw marinig ko ang sinasabi ni Melanie sa kanya.
"Hello..." si Joper iyon ng tumigil na ang pag-riring at may marinig kaming boses.
"Hello Baby..." Melanie answered back. Feeling ko, ngiting-ngiti si Melanie mula sa kabilang linya.
Lumingon lang sa akin si Joper, mukhang gusto pa ata niya na ako ang sumagot o magsalita o ang makipag-usap kay Melanie. "Melanie, sorry kung hindi kita kinakausap ng maayos." Narinig kong sabi ni Joper, nakatingin kasi ako ng deretso sa kalsada.
"Okay lang Baby, na-realize mo na ba na mas worth it ako at mas deserving kaysa kay Gela?" Sabi ni Melanie mula sa kabilang linya, dahilan para mapalingon ako kay Joper na nakatitig lang sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi ni Melanie na iyon.
"No!" Halos pasigaw na sabi ni Joper sa sinabi ni Melanie sa kanya. "I'm sorry..." dagdag ni Joper na nakatingin sa akin. "Hindi 'yon ang dahilan ng pagtawag ko sa'yo." Pahabol pa nito at saka bumuntong-hininga siyang nakatingin pa rin sa akin.
"It's okay Baby, I understand. Baka nabigla ka lang sa nagawa mong hindi pagpaparamdam sa'kin. Pero pinapatawad na kita, I promise you, mas tatatag na tayo ngayon." Sagot ni Melanie sa kanya. Napakunot na lamang ng noo si Joper sa sinabing iyon ni Melanie. Naisip ko tuloy si Lyko, para kasing ganoon din ang sinabi niya sa akin noon. Si Lyko pa nga ang nag-sorry sa akin noon kahit ako pa ang may atraso sa kanya.
"No, no. This is not what you were thinking." Sagot ni Joper saka tumingin sa akin, nakikita ko siya sa peripheral vision ko, hindi naman kasi pwedeng nakatingin ako sa kanya habang kausap niya si Melanie dahil ako ang may hawak ng manibela ng sasakyan niya. "I called to make things clear, be very clear." Pa-unti-unti niyang sabi kay Melanie. Nako, pasalamat na lang si Melanie at ganyan pa makipag-usap si Joper sa kanya. Hindi tulad ng ginawa sa akin ni Joper noon na bigla na lang akong iniwan sa ere, masakit 'yon 'no! Kung alam lang niya kung gaano kabigat sa dibdib ang napagdaanan kong iyon. "I'm sorry Melanie, I'm really really sorry. Nabigla lang siguro ako noon kaya naging tayo, hindi ako nag-iisip noong mga panahon at oras na iyon kaya naging tayo. Mahal ko si Gela, I really really love her kaya bigla na lang kitang iniwasan at bumalik ako sa kanya. I'm sorry." Naririnig kong sinasabi ni Joper kay Melanie. Wala akong narinig na kahit na ano kay Melanie, mahabang katahimikan ang namayani sa linya sa phone. Naghintay pa rin kami na may magsalita sa kabilang linya, naghintay kami sa isasagot ni Melanie sa sinabi ni Joper sa kanya.
"Mahal na mahal kita Joper, why'd you have to make me feel the same way?" Sa wakas at nagsalita na si Melanie. Ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita ni Melanie, ni hindi nga ata siya naiyak sa sinabi ni Joper sa kanya. "Hindi ako papayag Joper, hinding-hindi ako papayag!" Mas lalong tumaas ang boses ni Melanie mula sa kabilang linya ng telepono. Medyo natakot ako dahul doon, para kasi siyang may hindi magandang gagawin.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...