XXII.

278 8 0
                                    


Gela's POV

Nakakita kami ng isang karinderya malapit lapit sa Paoay Church, hindi man namin nalakad kahit malapit pero pwede na 'to 'no. Nakakasawa rin naman kasi na puro sa fast food, convenience store at pagkain sa hotel ang nilalaman namin sa tiyan namin. Gusto ko ng makakain ng lutong bahay, lalong lalo na 'tong si Joper na talagang naghahanap ng Kare-kareng ulam.

Sizzling Sisig ang kadalasan kong order pero wala ngayon, meron silang tinatawag dito na Dinakdakan kaya iyon na lang ang sinubukan ko dahil mukha naman itong Sisig hindi nga lang Sizzling. Si Joper naman Kare-kare nga ang gutso, meron naman kaya mukhang makakarami siya ng kain.

"Da, tikman mo 'tong Kare-kare, masarap." Alok ni Joper sa akin saka nilagyan ng isang kutsarang sarsa ng Kare-kare ang palto ko, alam niyang hindi ako kumakain ng Kare-kare pero lagi niyang akong pinipilit na tikman iyon at hindi ko naman siya tinatanggihan. Ayaw ko lang sumama ang loob niya s akin, baka mag-drama na naman dahil sa pagkain. Ayaw ko lang kasi talaga ng kahit na anong pagkain na may peanut Butter, hindi ako maarte, 'di ko lang trip ang lasa ng Peanut Butter.

"Alam mo naman hindi ako pamilyar sa lasa ng Kare-kare kaya hindi ko po ma-appreciate 'yang sarap niyan." Sagot ko kay Joper habang tinitikman ko ang Kare-kareng paborito niya.

"Alam ko 'yon 'wag kang mag-alala, gusto ko lang tikman mo." Sabi ni Joper sa akin. Habang inuubos ang kanin niya para maisunod na ang extra rice niya.

"Da, hinay hinay. Lumulobo ka lalo." Kantyaw ko sa kanya, kung ano ang laki ng ipinayat ko ay siya namang laki ng itinaba niya.

"Oh, ubusin mo 'yang extra rice ko." Sagot niya sabay salin sa plato ko ag extra rice niya.

"Da, kailangan mo 'yan kasi ikaw 'yong mag-dadrive, at saka may pupunthan pa tayo di'ba?" Sagot ko habang isinasalin pabalik sa kanya ang extra rice niyang inilagay niya sa plato ko. Hindi ko pa kasi nauubos ang kanin ko tapos may kasunod na kaagad. "Binibiro ka lang naman eh." Lambing ko sa kanya saka kinuha ang kamay niya at ihinolding hands ko siya. "Daniel Padilla ka pa rin naman kahit na mataba ka na." Dagdag ko pang pang-uuto sa kanya.

Ngumiti naman siya dahil sa sinabi kong iyon at nagpatuloy na lamang siya sa pagkain niya, nakakagigil talaga si Da, lalo na kapag napupuno ng pagkain ang bibig niya. 'Yong mga pisngi niyang matatambok at 'yong nag-pufumeeling na chinito niyang mga mata ang sarap sundutin kapag nag-papacute siya. Ang brutal ko ba? Nakakagigil eh.

Pagkatapos namin kumain ay siya na nga ang nag-drive. Hindi niya alam kung saan kami susunod na pupunta kaya inaya ko na lang siyang magpunta sa bahay ng mga Marcos noon o ang tinatawag nilang Malacanang Palace of the North.

Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay namangha na agad si Joper sa mga nakikita niya sa labas ng bahay na iyon. Natatawa ako na akala ko ako ang ipapasyal niya pero mukhang ako pa ang naging tour guide niya ngayon. Pero ayos lang dahil nakikita ko ang mga ngiti niyang 'yon sa mukha niya kahit pa alam niyang ilang araw na lang ang bibilangin sa pananatili ko sa Manila.

Mamimiss kong tingnan ang mukhang punong-puno ng ngiti sa mga labi niya. Mamimiss kong marinig 'yong mga halakhak niyang wagas kahit mababaw ang dahilan. Mamimiss ko lahat kay Joper pag nagtrabaho na ako sa Boracay. Mamimiss ko talaga siya.

"Da, ang bagal mo naman maglakad." Sabi sa akin ni Joper, nauna na siya sa akin ng kaunti dahil sa halos pababang daanan patungo sa entrance door ay halos patakbo na kasi siyang dumeretso roon.

"Eto na, 'wag ka naman masyaodng excited Da, baka madapa ako eh." Sagot ko na lang sa kanya saka ko maingat na binilisan ang paglalakad ko.

Natuwa ako sa mga nakita ko sa loob ng bahay na ito. Hindi ko naman kasi talagang nalibot 'tong buong bahay noon dahil masyadong maraming tao noong andito kami. Halos magkabungguan na kami ng mga kapwa ko sestudyante noon sa bawat kwartong pinapasok ko para lang makita ang nasa loob non kaya nawalan ako ng gana. Ngayon ko lang ata na-enjoy at na-appreciate ang ganda ng bahay ng mga Marcos noon lalo na ng makita ko ang likurang parte nito. Naisip kong mukhang mas maganda ang makikita namin dito sa likuran kung papalubog na ang araw, ang ganda ata ng sunset view rito, sayang at halos alas dos pa lang kaya sobrang init at tirik pa ang araw.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon