Lyko's POV
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula noong pag-alalahanin ako ng husto ni Gela. Kinuwento naman niya sa akin ang nangyari noong gabing iyon at naintindihan ko naman.
Ang lubos na nagbigay sa akin ng iniisip ay ang paglipat sa kanya ng Hotel Prestige sa bago nitong branch sa Boracay. Si Aira ang unang taong pumasok sa isip ko, malamang siya ang may pakana ng bagay na ito.
Hindi ko na muna inabala ang sarili ko na kausapin si Aira dahil baka hindi ko siya matantya dahil sa galit ko sa kanya sa pinag-gagagawa niya sa amin ni Gela.
"Babe, okay na ako." Ani Gela sa akin. Andito kami ngayon sa bahay niya at pinagmamasdan ko lang siyang nakatayo sa harapan ng full length mirror habang nag-aayos siya.
Dumating kasi ang kaibigan niyang galing sa Japan at gusto nilang mag-bar ngayon kaya napilitan din ako na mag-out ng maaga para may makasama siya.
Gusto ko sana siyang pagpalitin ng damit kaya lang bar kasi ang pupuntahan namin, ang KJ ko naman kung pag-susuotin ko siya ng pantalon at t-shirt. Naka-short shorts kasi siya at spaghetti strap na damit at simpleng converse na sapatos lang, ang buhok naman niya ay nakapusod lang. Minsan ko lang siya makitang ganito.
Palabas na kami sa bahay niya ng makita namin si Ian. "Sama ka?" Galing iyon kay Gela na tinatanong si Ian.
"Saan?" Tanong pabalik ni Ian kay Gela habang nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.
"Guilly's. Tara." Sagot ni Gela.
Nakita ko ang ngiti sa labi ni Ian. "Okay lang? Magbibihis pa ko?" Sagot niya. Halata sa tono niya ang saya. Siguro close talaga sila ni Ian at ngayon na lamang ulit nag-kausap ng ganito.
"Oo, sige. Okay lang." Ako na ang sumagot dahil tumingin sa akin si Gela na para bang hinihintay ang isasagot ko.
Nginitian ako ni Gela at hinawakan ang braso ko. "Ian dun ka namin hihintayin sa kotse ah." Pahabol ni Gela bago pa man umalis si Ian sa harap namin. Tumango lang si Ian saka patakbong nagtungo ma sa bahay nila.
Agad na kaming nagtungo sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan ni Gela, nag-taxi ako papunta rito para ang sasakyan ni Gela ang gamitin namin at para masanay na siya ng husto sa pag-mamaneho.
"Babe thank you." Ani Gela sa akin saka hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Para saan?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Kasi pumayag kang makasama natin si Ian. Mabait yun, masaya kasama." Sagot sa akin ni Gela. Nginitian ko lang siya at hinalikan sa noo.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay dumating na si Ian. Kinatok niya ang bintana ng sasakyan ni Gela at pinagbukas ko ng pinto.
"Sorry, matagal ba?" Tanong ni Ian sa amin.
"Hindi naman. Okay lang, masyado ka atang nagmadali." Sagot ko sa kanya. "Lyko nga pala." Pagpapakilala ko para naman hindi siya ma-ilang sa tuwing ako ang sumasagot sa mga sinasabi niya.
"Ian, thank you." Matipid na sagot ni Ian sa akin.
"Naligo ka ng pabango Ian ah." Puna ni Gela sa kanya.
"Nahiya kasi ako sa pabango mo eh." Pabirong sagot ni Ian kay Gela. Natawa rin ako sa sinabi niyang iyon, mukhang masaya nga kasama si Ian.
Nagtungo na muna kami sa bahay ng kaibigan niya na malapit lang sa kanila para daanan at ng sabay-sabay na kaming magpunta sa bar.
***
"Ian, wag kang mahiya sa kanila ah. Sagot kita." Narinig kong sabi ni Gela kay Ian sabay kindat pa. Masasabi ko nga talagang close sila at halos parang mag-kapatid na ang turingan sa bawat isa.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...