III.

1.2K 33 0
                                    

Joper's POV

I hope I was the reason behind those beautiful smiles.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na bigyan siya ng message. Ang totoo niyan nakuha ko ang number niya kay Frey, sa bestfriend niya sana ko kukunin kaya lang hindi ko naman alam ang number ni Tintin. Kung nabigyan ko lang siguro siya ng atensyon at oras hindi naman siguro niya ako pagdududahan.

Noong huling makatanggap ako ng message galing sa kanya ay hindi ko masyadong inintindi yung laman noon dahil wala akong pakelam sa kanya, binalewala ko siya. Pero ng mabasa ko ulit iyon, tama siya, tinanggap niya ako sa mga nagawa ko sa kanya, sa mga babaeng pinagtitripan ko at tinatago ko sa kanya. Pinalampas niyang lahat yon at inintindi ako.

"Umuusok ah." Puna sa akin ni Ian. Straight to the point kung magsalita ang mokong na to, hindi uso sa kanya ang paligoy-ligoy na usapan. "Iniwan-iwan mo tapos ngayon ganyan ka." Dagdag niya pa. Nakakatama talaga ang mga sinasabi niya, simpleng salita pero mapapaisip ka.

Hindi na ako naka-imik dahil biglang tumawag naman si Melanie, kapitbahay lang din namin ni Gela. Hindi kami ni Melanie, yan ang pilit kong sinasabi noon kay Gela para hindi ko siya masaktan. Malambing ako sa kanya, lagi akong may oras sa kanya at ang atensyon ko ay laging nasa kanya na hindi ko nagawang maibigay noon kay Gela. Noong kami pa lang ni Gela ay nagsabi na siya sa akin na mahal niya ako kaya eto ngayon minamahal pa rin niya ako, gusto ko siya, hinahangaan ko lang siya, ayokong umasa siya kaya pinag-aaralan ko na ang mahalin siya.

Habang kausap ko si Melanie ay nakita kong tumayo si Kris at ang bago ni Gela. Napatingin sa akin si Ian, Kevin at Andrew, mukhang inaabangan nila ang magiging hitsura ko o ang hitsura ng bago ni Gela.

Pagkadaan nila sa harap ko ay sumaludo ako kay Kris. Simpleng pagbati ng Hi. Hindi ko tinignan ang bago ni Gela dahil kay Gela ako mismo nakatingin habang nakatingin siya sa gawi ng partner niya. Nakalimutan ko na nga na may kausap pala ako sa phone ko.

"Gwapings no?" Komento ni Ian, pabulong iyon dahil halos kalalagpas lang nila ni Kris. Naki-pag-apir pa nga ito kay Andrew. "Sayang." Dagdag pa nito.

Naging malapit si Gela noon at Ian. Mag-kapatid ang turingan nila dahil walang kapatid na babae si Ian. Gustong-gusto ni Gela kung paano kumanta si Ian dahil with feelings daw na nakakakilig kapag naririnig niya. Kaya lang noong naghiwalay kami ni Gela ay nawala na rin ang pagiging close nilang dalawa.

Hindi pa rin ako umiimik. Ramdam kong medyo may selos akong naramdaman. Ramdam kong medyo masakit sa akin na makita siyang masaya sa iba. Alam kong nasaktan ko rin siya noon ng sabihin kong hindi ko na siya mahal, matagal ko na siyang hindi mahal. Pero hindi totoo iyon, tinignan ko pa siya sa mga mata niya noong sinabi ko iyon sa kanya, para lang tigilan niya ako, para lang hindi niya na ako habul-habulin pa.

Mula noon ay hindi ko na siya muling nakausap pa, hindi ko na rin nasilayan yung mga ngiti niya. Kaya kanina ay natuwa ako ng ngitian niya ako pabalik, kaya lang biglang lumabas yung bago niya.

"Galaw-galaw. Sumisigaw na yung kausap mo sa phone." Ani Kevin saka ako tinapik ng malakas sa braso para magising sa iniisip kong katangahan na nagawa ko.

Nagtawanan na lang sila at inend ko ang tawag ni Melanie ng hindi nagpapaalam. Umalis ako sa pwesto namin at pumasok sa bahay. I felt guilty sa ginawa ko kay Gela. Parang hinanapan ko siya ng butas para magkaroon ako ng dahilan para lang mahiwalayan ko siya. Hindi ko naisip, ako rin pala ang masasaktan bandang huli. Ako rin pala ang masasaktan sa desisyon kong akala ko ay tama.

Natauhan ako ng tumunog ang phone ko para sa isang text message. Si Gela iyon na ikinatuwa ko, akala ko si Melanie na naman na pagagalitan ako dahil sa pagbaba ko sa tawag niya kanina.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon