Aira's POV
Alas dose na halos ng makarating kami sa Java Hotel kung saan naka-check-in sina Jaja at ang pamilya niya. Agad kaming natulog ni Melanie dahil na rin sa pagod namin sa byahe at maging sa pagmamaneho. Katapat lang ng kwarto ni Jaja ang silid kung saan kami tutuloy ni Melanie. Infairness, maganda pala dito, simple lang at ang ganda ng hitsura nito sa labas, pwede siyang ilaban sa mga hotel sa Manila at magiging kapansin-pansin ito dahil sa kakaibang hitsura nito sa labas.
"Tara sa kwarto ni Jaja, naka-ayos ka na ba?" tanong ko kay Melanie na busyng-busy sa harap ng salamin.
"Oo, ikaw na lang hinihintay ko eh." Sagot niya sa akin.
Mag-aalas otso pa lang ng umaga ng ayain ko siya. Wala lang, gusto ko lang siyang istorbohin dahil matagal na rin mula noong huli kaming nagkita.
Si Jaja Montemayor ay isang anak ng isa sa mga pinakasikat na restaurant sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas, mayaman siya, hindi maipagkakaila, ewan ko ba kung bakit dito nila sa Ilocos naisipan na mamasyal at hindi sa ibang bansa. Ang itatayo nga na Hotel Prestige sa Boracay ay katabi lang ng restaurant nila doon, pinag-mamanage siya sa branch nila sa Boracay pero ayaw niya dahil kahit marami raw babae roon ay malungkot naman daw siya dahil wala siyang gaanong kakilala hindi tulad sa Manila na isang aya lang niya ay magsisisulputan na ang mga kaibigan niya.
"What? Ang aga niyo naman." Salubong sa amin ni Jaja, she's wearing a boxer shorts and a sando. Kahit talaga tibo 'tong kaibigan kong 'to at aaminin kong gwapo talaga siya ay hindi ko tinangkang gustuhin siya.
Dere-deretso akong pumasok sa loob at si Melanie ay nakasunod lang sa akin, naupo kami agad sa couch na andoon at inilibot ko na rin ang mata ko. Halos parehas lang pala ang kwarto na kinuha niya para sa amin at ang kwarto niya.
"Hey, Jaja. Meet my friend, Melanie." Pakilala ko kay Jaja. Inilahad naman ni Melanie ang kamay niya para makipag-shake hands kay Jaja.
"Thank you sa invitation ah." Sabi na lamang ni Melanie kay Jaja.
Tumango na lang si Jaja ng naka-ngiti, mga ngiting minsan ko lang makita sa kanya, mga ngiting nagsasabing, "Friends?". Hinayaan ko na lamang siya sa ngiti niyang iyon, medyo na-cucurious kasi ako sa babaeng nakahuhumalingan niya ngayon. Hay nako, ibang klase pa naman 'to pag nagkakagusto sa babae, parang stalker na kung minsan ay kukuhaan pa ng litrato at hihintayin kung saan madalas dumadaan ang girl.
Kinuha ko ang phone malapit sa kinauupuan ko at tumawag sa Front Desk, room service syempre, nagutom ako bigla eh, at alam kong ganon din si Melanie. Umorder ako ng para sa tatlong tao kahit na nakakain na raw si Jaja kanina sa taas, dahil may breakfast buffet dito every morning.
"Kumain ka na pala, bakit naman ganyan pa rin 'yang suot mo." Sita ko sa kanya. Dapat maayos na ang damit niya 'no.
"Nagpalit lang ako ulit. Nakita ko kasi 'yong crush ko na mag-bebreakfast kaya napabreakfast din ako." Paliwanag niya sa akin. Sabi na nga ba eh, may dahilan kaya nag-breakfast 'to ng maaga, at infairness sa kanya, ang aga niyang gumising para lang masabayan 'yong crush niya ah.
"Kwentuhan mo naman kami tungkol sa bago mong ini-stalk." Pabiro kong sabi sa kanya. Napaka-mean ko pagdating sa kanya, pero kahit ganon ako sa kanya sobrang close kami, isa siya sa mga kaibigan ko na tinulungan ako para makilala ko si Lyko. Kaya to return the favor, tinutulungan ko rin siya sa mga babaeng ini-stalk niya. Ha ha ha
"Kamusta na kayo ni Lyko?" Biglang tanong niya sa akin. Hindi ako umiimik at sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Wala na sila." Si Melanie ang sumagot kaya napatingin ako sa kanya, agad kong kinha ang throw pillow sa tabi ko at binato iyon sa kanya, may kabigatan pa naman kaya malamang kahit unan iyon ay medyo masakit din. "Aray! Ang sakit non ah." Pasigaw na sabi ni Melanie, malamang narinig iyon sa magkabilang kwarto na pinagigitnaan ng kwarto ni Jaja.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...