Gela's POVTatlong araw ko rin ikinulong ang sarili ko sa bahay. Tatlong araw na hindi nagbukas ng kahit na anong ilaw kaya dilim ang bumalot sa akin sa loob ng kwarto ko o kahit saan mang parte ng kabahayan. Kalungkutan ang pinili kong makasama sa loob ng tatlong araw na pananatili ko sa bahay.
Kinausap ko si Mama na ayusin ang ticket ko patungo sa ibang bansa kung nasaan sila. Pinag-isipan ko iyon at nagdesisyon pagtapos kong mahimasmasan sa ilang lata ng beer na naubos ko noong nakaraang araw.
Maaga akong umalis sa lugar namin, 4AM to be exact. I just don't want anybody else to see me. Mapakapitbahay o kakilala ko, lalo na si Joper. Para na nga akong wanted dahil daig ko pa ang nagtatagong kriminal sa pinag-gagagawa ko. Hindi naman ako magugutom sa bahay dahil may mga stocks akong pagkain doon.
Mamayang hapon pa ang flight ko but I chose to leave the house earlier para maka-iwas sa tao, sa tsismis, sa tanong at sa mga bulungan. I've decided to checked-in sa pinakamalapit na hotel sa airport para hindi na ako ma-hassle mamaya kaya lang sobrang naboboring ako kaya napag-desisyunan ko rin na mag-ikot muna dito sa mall.
Halos kabubukas lang ng mall kaya konti pa lang ang tao. Pumasok ako sa isang restaurant para kumain ng breakfast. Hindi ako nag-breakfast sa hotel suite ko dahil nakakaboring na nga kumain mag-isa, wala pa akong nakikitang ibang nagsasalita at naririnig kundi ang mga tao sa TV.
Habang hinihintay ko ang order ko ay naisipan ko ng tawagan si Tintin. She's my Bespar and a sister to me, kaya kahit sa kaniya lang sana makapag-paalam namam ako.
"Hey, Bespar. Asan ka?" Tintin exclaimed, inilayo ko pa nga ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng pambungad niya sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala niya at parang halos naiiyak na dahil sa pag-iiba ng pananalita niya. "Oh my God, nawala ka na naman. Nasaan ka? Nakakainis ka naman eh. Hindi mo na ba ako mahal kaya hindi mo na pinapaalam sa'kin lahat?" Hindi ako nagkamali. Umiiyak ang Bespar ko.
"I'm sorry." Pinipigilan ko rin na pumatak ang luha ko kaya tumingala ako para hindi iyon dumulas pababa. "Aalis lang ako, pupunta ako kila Mama." Sabi ko na lang sa kaniya.
"Kailan? Bakit naman biglaan? Ano bang problema Gela?" Nag-uumpisa ng magtanong si Tintin. "I'm your bestfriend, Gela. Alam ko kung kailan ka may dinadalang problema o wala." Sabi na lamang niya dahil isang malalim na paghinga lang ang napakawalan ko.
Nag-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya pero mas pinili ko na lang na manahimik na muna para hindi ko na sila maabala pa. "I'll call you again later Bespar. Kakain lang ako." Pag-iwas ko sa kaniya. Oo, tatawagan ko siya ulit mamaya par makapag-paalam ulit ng mas maayos pero hindi para sabihin sa kaniya ang dinadala ko. Pinatay na lang din ni Tintin ang tawag, inilapag ko ang phone ko sa mesa habang naghihintay sa order ko.
Nakatingin ako sa malayo, hindi ko pinapansin ang mga taong pumapasok sa loob ng restaurant na kinalalagyan ko. Nagulat na lang ako ng biglang may umupo sa harap ko. Hindi niya akp inabalang tanungin kung pwede ba siyang umupo, bagkus ay hinila niya ang isang silya at naupo na lamang doon.
"Melanie..." bulong ko. Nagulat ako ng husto dahil andito siya ngayon sa harapan ko. Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko o ang emosyon na ipakikita ko. "W-what are you doing here?" Halos mautal kong tanong sa kaniya dahil sa pagkabigla.
"Nakita kasi kita, kaya nilapitan na kita." Mahinahon niyang sabi sa akin at hindi mapakali ang mga kamay niyang nakapatong sa mesa. "Hinahanap ka namin ni Joper, nila Ian." Napaangat ang ulo ko at tiningnan siya, nakatingin siya sa akin.
"Bakit?" Matipid kong tanong at saka ako umiwas ng tingin sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit naging kompilkado ang lahat sa amin ni Joper, bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya ngayong kaharap ko na siya. Bakit hindi ko magawang sampalin siya para man lang sana mabawasan ang bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon, lalo na tuwing maaalala ko ang nangyari sa kanila noon ni Joper at kung gaano kadali kay Joper na pagbigyan ako sa space na hiningi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...