Gela's POV
Unang araw ko sa trabaho ngayon bilang isang Front Desk Supervisor. Medyo nangangapa pa ako dahil hindi ako sanay na ganito ang ginagawa kong trabaho kaya't kung may pagkakataon ay ginagawa ko na rin ang trabaho ng isang Front Desk Attendant. Si Tintin nga ay Mam ang tawag sa akin kapag may ibang tao, kung dalawa lang kaming naiiwan sa area ay Bespar naman.
Maaga ang uwi ko ngayon, halos kasabayan lang ng oras ng pag-uwi ni Joper pero siyempre hindi niya naman ako masusundo at hindi ko naman siya madadaanan.
Habang tinatahak ko ang daanan patungo sa lugar namin ay may nareceive akong text message. Iginilid ko muna ang oto ko sa may basketball court malapit sa amin at sinilip kung kanino galing ang natanggap kong mensahe.
"Unknown number?" Tanong ko sa sarili ko. Bihira lang na may magtext sa akin ng ganon kaya agad ko itong ipinagtaka.
Nagulat na lamang ako sa biglaang pagtunog ng phone ko, tawag iyon galing kay Joper at agad ko naman itong sinagot.
"Da, andito na ko sa court." Bungad ko kahit hindi ko pa man naririnig ang boses niya. "Ikaw?" Tanong ko sa kaniya.
"Maaga akong nag-out. Hindi na kita nasabihan, kanina pa kita hinihintay dito sa bahay." Sagot niya sa akin. Napaka-cold ng tono ng pananalita niya. Siguro ay may sakit siya kaya maaga siyang nag-out at kaya ganyan siya kung magsalita.
"Sige. Magbibihis lang ako tapos pupuntahan kita 'dyan. Bye, I love you." Sagot ko naman sa kaniya. Naghintay ako ng sagot niya subalit isang beep tone lang ang narinig ko mula sa kabilang linya, senyales na ibinaba niya na ang tawag niya sa akin.
"Nakakapagtaka." Bulong ko tuloy sa sarili ko at ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ng bag ko na nasa tabi ko lamang.
Agad akong nag-park sa tabi ng sasakyan ni Joper, inayos ko lamang ang mga gamit ko at agad na akong nagtungo sa bahay.
Habang naglalakad ako sa 'di kalayuan ay nakita ko ng nakatayo si Melanie sa tapat ng tindahan malapit sa amin. Gusto ko sana siyang ngitian kaya lang ayaw ko na lang ipahiya ang sarili ko sa gagawin kong iyon.
Bago ko lampasan ang block kung nasaan nakatira si Joper ay sumilip muna ako. Nakapatay ang mga ilaw samantalang nag-aagaw na ang gabi at araw. Dumidilim na ngunit ni isang ilaw ay walang nakabukas.
Agad kong binuksan ang gate ng bahay at umakyat para magbihis. Nagugutom na ako pero kailangan ko munang alamin kung maayos ba ang pakiramdam ni Joper ngayon. Dadalhan ko na lamang siguro siya ng gamot at ng instant na cup noodles para may makain muna siya.
Pagkatapos kong makapagbihis ay lumabas na ako at nagtungo na sa kanila. Nandoon pa rin si Melanie kung saan ko siya nakitang nakatayo kanina pa. Nakakapagtaka naman talaga na ganitong oras ay nagagawa pa niyang lumabas samantalang hindi naman niya ito nakasanayan na gawin.
"Da, andito na 'ko. Papasok na ako ha." Sabi ko habang binubuksan ang gate nila. Wala kasing nagsasalita pero bukas naman ang TV.
Pagpasok ko sa gate ay tinalunan muna ako ng mga aso niya, sinuway ko naman ang mga iyon dahil may dala-dala ako. Agad kong binuksan ang screen at nakita ang hitsura ni Joper sa may sofa.
"Masama ba ang pakiramdam mo Da?" Tanong ko sa kaniya habang sinisipat sipat ng kamay ko kung mainit ba siya.
Iling lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya. "Sigurado ka? Kumain ka na ba? Sabay na tayo, gusto mo?" Tanong ko pa. Hindi naman ako manhid kaya alam ko at ramdam kong hindi maayos ang pakiramdam ni Joper ngayon.
"I love you." Halos pabulong niyang sabi sa akin.
Inilapag ko sa tabi niya ang hawak kong cup noodles at gamot saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I love you too." At hinalikan ko siya.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...