Joper's POV
Pangalawang araw pa lamang namin ngayon dito sa Java Hotel at hindi namin alam kung saan kami pupunta. Maaga pa naman at natutulog pa si Gela, napuyat sa kapapanood ng cartoons kagabi at sa kalalaro sa phone ko. Ang adik talaga sa mobile games ng Da Da ko.
Hindi pa man ako nakakabangon mula sa pagkakahiga ko sa kama ay narinig ko ng tumunog ang telepono ko. Ang aga masyado ng caller ko, sana lang hindi iyon si Melanie na mangungulit. Dyusko, maayos ko na siyang kinausap kahapon, sana naman tigilan niya na ako.
Pagkadampot ko sa telepono ko ay nagulat ako sa biglang pagtawag ng taong 'to. Hindi naman palatawag 'to sa'kin eh. Ni text nga hindi niya ginagawa dahil lagi naman walang load 'tong caller ko na ito.
"Himala tinawagan mo 'ko?" Tanong ko agad sa kanya ng sagutin ko ang phone ko. Instead of greeting him ng 'Good Morning' iyon talaga ang unang lumabas sa bibig ko. Sorry naman, hindi ko lang kasi talaga mapigilan.
"Grabe naman 'yang pag-bati na 'yan." Sagot niya sa akin at feeling ko nangangamot ito ng ulo niya kung sakali man na kaharap ko siya ngayon. "nag-paload ako para sa'yo, sana naman maappreciate mo 'yon." Dagdag niya sa akin na para bang hinihilamos na ang mukha niya ng mga kamay niya. Natatawa ako, mabuti na lang at napipigilan ko pa dahil katabi ko si Gela na nakasiksik sa gilid ko.
"Oo na. Salamat Ian at nagawa mong magpaload para tawagan ako." Pabiro kong sabi sa kanya. Paano naman kasi hindi ko talaga alam kung bakit siya bigla-biglang tumawag at ni isang kapiranggot na idea ay wala ako.
"Kasi naman si Melanie..." sabi ni Ian sa akin. Huminto pa sa pagsasalita at nag-papasuspense pa. "Kinausap ako kagabi, kaharap ko sila Kevin at Andrew sa may court." Dagdag niya sa akin. Nagulat ako siyempre dahil hindi naman basta-basta nakikipag-usap si Melanie sa kanila.
"Oh anong meron?" Medyo kabado kong tanong kay Ian dahil baka kung anu-ano na ang sinabi ni Melanie kila Ian.
"Nagpapatulong sa'kin para raw makausap kayo ni Gela, hihingi daw ng sorry." Sabi agad ni Ian sa akin. Nagulat ako dahil hindi ko naman nakilala na ganon si Melanie, well, hindi ko naman kasi siya ganon kakilala. "Ano bang nangyari?" Agad na tanong ni Ian sa akin, makiki-tsismis pa ang loko-loko kong kaibigan.
"Pagbalik ko saka ko ikukwento. Mahaba eh." Sagot ko na lang sa kanya. Tinatamad kasi akong mag-kwento, kagigising ko lang eh at saka maghahanda pa ako ng pwede naming almusalin ni Gela.
"Sige. Pasalubong ko ah." Pahabol ni Ian sa akin at saka niya ibinaba ang tawag.
Binalik ko lang ulit ang phone ko sa side table na malapit sa akin. Tulog na tulog pa rin si Gela, puyat ba talaga siya? Hindi naman kasi talaga tulog mantika 'to, konting ingay lang ay nagigising na siya pero ngayon, hindi man lang niya namalayan na may kausap ako sa phone.
Bumangon ako para tumawag sa front desk at umorder ng pagkain, hindi na namin naabutan ang breakfast buffet sa itaas dahil lagpas alas nuebe na. Sayang naman, ang ganda pa naman ng view doon sa itaas.
Habang naghihintay ay naligo na muna ako para kung sakaling magising na si Gela ay siya na lang ang hihintayin kong mag-ayos ng sarili niya bago kami umalis.
Habang nasa loob ako ng banyo at naliligo ay pinakikiramdaman ko rin naman si Gela at sa hinihintay kong room service.
"Da!" Sigaw ni Gela. Narinig ko iyon dahil sa lakas, hinahanap na naman niya ako sa tabi niya.
Agad akong nagbukas ng pinto sa banyo at sinilip ko siya. Hindi pa kasi ako bihis kaya hindi na muna ako lumabas. "Andito lang po ako. Palabas na." Sabi ko kay Gela. Nakita ko naman ang mukha niya na parang wala lang sa kanya at saka nahiga na ulit .
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...