Gela's POV
Isang linggo na rin ang nakakalipas. Inaasikaso ko na lamang ang requirements ko ngayon dahil natanggap ako sa hotel na pinapasukan ni Tintin, ang Elite Hotel, tulad ng Hotel Prestige, sikat ito sa buong Metro Manila maging sa iba pang mga probinsya. Hindi tulad sa Hotel Prestige na isa akong Front Desk Attendant, ngayon ay isa na akong Front Desk Supervisor, hindi ko alam kung paanong nangyari iyon pero laking pasasalamat ko talaga ito sa Bespar ko.
Si Joper nga ay pinipilit pang sumama sa akin ngayon sa pagkuha ng requirements na kailangan ko pero hindi ko na lang siya ipinasama pa sa akin dahil maaabala ko siya sa trabaho niya. Medyo nag-tampo siiya dahil lumalakad na raw akong mag-isa pero siyempre pina-intindi ko sa kanya ang mas dapat niyang gawin. Halos sa bahay na rin siya tumitira, para na kaming nagsasama, pero pupunta lang bsiya sa bahay para tabihan ako matulog, lahat ng trabaho niya sa bahay nila ay nagagampanan pa rin naman niya ng maayos.
Naglalakad ako patungo sa taxi bay dahil coding ang sasakyan ko ngayon ng may makasalubong akong isang pamilyar na mukha. "Kamusta?" Bati sa akin ni Jaja, 'yong nakipag-kilala at nakipag-kaibigan sa amin ni Joper noon sa Java Hotel at hindi ko inaasahan na kaibigan pala siya ni Aira at ni Melanie.
"O-okay lang naman. I-ikaw kamusta?" Nag-aalangan pa akong kausapin siya hindi dahil sa may kutob si Joper sa kaniya kundi dahil gusto kong umiwas sa mga bagay na maaari naming pag-awayan ni Joper na dalawa.
"'Wag kang matakot, harmless naman ako eh. May gagawin ka pa ba?" napansin niya ata na medyo kabado ako dahil sa pa-utal-utal kong tugon ko sa kaniya.
Sa totoo lang wala na akong gagawin dahil natapos ko naman agad ang pagkuha ng NBI clearance ko at ang pag-papamedical ko. "Meron eh. Magkikita kasi kami ni Joper." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Wala naman kaming balak ni Joper na magkita ngayon dahil una sa lahat nasa meeting siya ngayon kasama ang mga kapwa niya Midwife at maghapon iyon.
"Aayain lang sana kitang mag-coffee, kahit sandali lang." Pag-hirit pa ni Jaja.
Umiling ako. "Sorry, next time na lang ha, hinihintay na kasi ako ni Joper eh." Pilit kong pag-tanggi sa kaniya. Wala na akong pake-alam kahit pa mahalata niya o mapansin niya na iniiwasan ko siya. Basta ang mahalaga ay hindi ako sasama sa kaniya dahil ayaw kong makagawa ng dahilan para pag-awayan naming dalawa ni Joper. "Mauna na ko, may taxi na eh. Salamat." Dagdag ko pa ng may makita akong taxi na huminto sa harapan ko. Agad akong pumasok ng mag-paalam ako at iniwan siya doon.
Pagkapasok ko sa loob ng taxi ay agad akong tumawag kay Joper ngunit puro ring lang iyon, hindi ko naman ugaling tawagan siya lalo na kung alam kong nasa meeting siya pero dahil sa kagustuhan kong ikwento sa kaniya agad ang biglaang pagkikita namin ni Jaja ay nagawa ko.
Hindi ko na ipinilit pa na matawagan si Joper, magkikita naman kami sa bahay mamaya kaya hinayaan ko na lamang muna na matapos ang meeting niya, siguro naman ay tatawagan niya ako agad kapag nakita niyang may missed call siya galing sa akin.
Alas dos pa lang naman ng hapon at nakita ko ang Tabehoudai, naisipan kong dumaan doon para mangamusta. Siyempre, tinext ko na muna si Joper na kakain muna ako doon mismo sa Tabehoudai, maayos naman na ang lagay namin kay Lyko kaya okay lang sa kaniya na doon ako kumain.
Pag-kababa ko sa taxi ay nakita ko agad na nasa labas si Lyko at naninigarilyo, breaktime siguro niya. Sinalubong niya ako patakbo at bineso niya ako. "Kamusta?" Tanong niya sa akin habang patungo kami sa restaurant. Dahil may hawak siyang sigarilyo ay doon na muna ako sa labas naupo.
"Okay lang naman. Dumaan ako dito kasi nagugutom na ako." Sagot ko sa kaniya. Kahit na ipinagluto ako ni Joper ng almusal kanina at sabay kaming kumain ay hindi ko maiwasan na magutom ngayon dahil sa haba ng nilakad ko.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...