THIRTY THREE

211 4 0
                                    


Gela's POV

Ngayong gabing 'to, masasabi kong napaka-swerte ng hotel na 'to. Kung sa bagay, hindi pa naman ako nakaka-isang buwan na nagtatrabaho sa hotel na ito kaya hindi ko alam kung ngayon lang ba nangyaring dinumog ang hotel na 'to.

Kanina ko pa gustong kamustahin si Joper kung natuloy ba siya sa pag-babarhop niyang mag-isa o kung may nahatak ba siyang kasama niya kaya lang hindi ko maisingit sa ginagawa ko dahil hindi talaga ako nababakante. Hinihintay ko na nga lang ang breaktime ko, namin ni Tintin dahil sabay naman kami palagi para makamusta ko naman siya kung anong ginagawa niya.

Kaninang dumating kami dito sa hotel ay hindi naman siya masyadong nagtagal, nang payagan ko siyang uminom sa bar ay umalis na rin siya. Pinaalis ko na agad para makauwi rin dahil susunduin niya pa ako mamayang out ko.

Medyo excited ako umuwi ngayon dahil hindi lang pala dalawang araw ang off ko, magiging tatlong araw iyon, pampalubag loob daw ng boss sa aming mga pumasok ngayong gabi para sa pagsalubong ng asawa ng may-ari.

Alas quatro na ng madaling araw, konting oras na lamang at uuwi na ako. Papunta na kami ni Tintin sa locker ngayon para kumain, siyempre ano pa nga ba ang kakainin ko ngayon kundi ang ipinabaon sa akin ni Joper na binili namin sa kinainan namin kanina sa isang fast food.

"Bespar, oh binilhan ka ni Joper ng pagkain." Sabay abot ko kay Tintin ng isang lagayan.

"Wow naman, ang bait ni Joper ngayon ah." Ani Tintin sa akin. Ipinatong niya ang inabot kong pagkain sa kaniya sa mesa kung saan kami kakain.

Pagkakuha ko sa phone ko at pag-upo sa tapat ni Tintin ay agad kong tinawagan si Joper, wala naman kasi siya ni isang text man lang sa akin kung nasaan na ba siya. Nag-alala rin ako siyempre dahil kung natuloy man siya uminom ng mag-isa ay baka kung napapaano na siya sa daan.

Nagriring na ang kabilang linya, medyo may katagalan bago ito nasagot. "Da..." pag-uumpisa ko. "Bakit di ka nagsasalita?" Tanong ko dahil medyo tahimik ang kabilang linya, tanging hangin mula sa electric fan lang siguro ang naririnig ko at medyo masakit iyon sa tenga.

"Hmmmm..." narinig kong tunog. Malamang ay antok na antok na siya kaya hindi na siya nakapag-salita pa at ungol lang ang pinarinig niya sa akin. Ganon naman lagi eh, kahit mag-kasama kami, tuwing iniistorbo ko siya at hindi niya na kaya pang magsalita, ungol lang ang pinakakawalan niya.

"Sige na. Goodnight. Just don't forget to fetch me later. I love you." Sabi ko na lang at ibinaba na ang tawag ko sa kaniya. Malamang nalasing iyon, mabuti na lang at nakapag-maneho pa siya pauwi.

Nakatingin lang sa akin si Tintin. "Nga-nga ka?" Tanong niya sa akin na natatawa pa talaga. "Kain na tayo, kanina pa ako nagugutom eh." Dugtong niya pa, saka binuksan ang baunan na dala niya, ulam lang iyon. Walang kanin dahil pwede naman siyang bumili sa katapat na fast food ng hotel.

"Mabuti na lang naka-uwi ng maayos si Joper." Pag-uumpisa ko sa kwento para naman hindi boring ang breaktime namin ni Tintin.

"Saan ba galing 'yon?" Tanong niya sa akin.

"Uminom mag-isa, nag-bar, pinayagan ko para naman hindi siya maboring." Sagot ko sa kaniya.

"Grabe 'no? Talagang hindi siya nagsalita sa tawag mo sa kaniya kanina." Komento niya sa naging usapan namin ni Joper. "Kung ako 'yon baka nagwala na ako." Dagdag pa niya. Ganon kasi talaga siya kay Alex, laging kawawa iyon sa pag-bubunganga nitong Bespar ko.

"Nako 'no. Pinagbigyan ko na kasi nga dapat date namin ngayon, eh bigla naman kasing may pasok tapos night duty pa." Paliwanag kong hindi siya nililingon. Alam kong nakatingin siya sa akin dahil nakikita iyon ng sulok ng mga mata ko.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon