Ang hirap magtago ng sikreto. Dahil na rin siguro sa kasabihan na "Walang sikretong di nabubunyag. Ito talaga ang pinakamalupet na sikreto bukod dun sa nalaman namin sa kabilang section. Lumipas ang dalawang buwan at dahil sa di sinasadyang pangyayari nabunyag ang mga sikreto.
Uwian na nun. Naisipan namin na magFT(Food Trip) sa bahay. Lumipas ang ilang minuto nag open forum kami. Tanungan ng mga sikreto. Unang tinanong si Mike, next si Jam, tapos si Gori, then ako at ang huli si Ram.
(Skip natin yung kay Mike kasi tungkol lang naman kay Rina yun. Bestfriend nya si Rina tapos nililigawan niya. Yung kay Jam naman tungkol lang kay Anne at Yumi, nililigawan niya yung dalawa tapos busted lahat isip-bata kasi eh. Yung kay Gori naman ang dami mga tatlo. Sila Nix, Robs, Jiulls at lahat may s sa dulo. Yung sa akin naman ay yung tatlong Mae, syempre yung isa pinakamahalaga at abangan ang kwento nya sa susunod...