Buwag? Ulul

13 0 0
                                    

Masaya sa kaibigan ay yung tanggap yung ugali mo. Yung nagbubulungan sila tungkol sayo tapos wala kang pake kasi wala ka namang tinatagong sikreto. Masarap din kapag kwentuhan moment na, nagsisilabasan yung mga kaalaman niyo minsan nga mali mali na yung sinasabi mo eh pero patuloy lang, pero hindi mawawala yung topic na trending sa news. Magmumurahan pa yan, maglalaitan, ito yung barkadang walang pangalan pero matibay mas matibay pa sa Kalabit kasi yung Kalabit unti unti ng nawawala, ewan ko ba kung bakit? Si Jam at Ram kasi eh masyadong ewan. Di namin alam yung nasa isip nila lalo na kapag tungkol sa love kaya nakakagawa sila ng kasalanan eh dahil din sa kanilang kapabayaan. Kaya hiwalay na siguro, si Jam nandun sa taong tanggap siya, pero tanggap namin siya, hindi niya lang kami tanggap. Yung pang-aasar hindi niya matanggap at minsan nagpapaawa pa nakakainis talaga. Ang laki laking tao gumaganyan pa kaya minsan di ko na lang pinapansin. Pero ang tunay na barkada ay may lugar ng kainan, lugar ng tambayan, di nauubusan ng topic sa kwentuhan at yung may mga asaran na nauuwi sa pikunan. Ganoon kami eh doon kami masaya.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon