Dahil sa mga panahong nalulumbay ako nung panahong naalala ko si Aliyah Mae, bago ko pa nakilala si Aliyah Ann. Sa pagbalik ko sa mga alaala namin noon ay nakita ko kahapon bago ako matulog ang mga tulang dapat nasabi ko sa kanya kaya lang ay umalis siya para pumuntang Amerika. Ito ang isa sa maraming kong tulang ginawa para sa kanya.
Aliyah: Ikaw na Nga
Aliyah, kakaiba ang aking nadama nung nakita ka
Kasama mo pa nun ang makulit mong kasama
Hindi ako nag-atubili na sa facebook hanapin ka
Noong una nahirapan ako
Hindi ko naman alam pangalan mo
Pero dahil sa hindi malamang dahilan
Nakita ko ang picture mo, kasama ang iyong pangalan
Sabi ko sa sarili ko ikaw na talaga
Hindi ako magdadalawang-isip na ligawan ka
Pero bumalot sa akin ang hiya
Ilang beses kong sinabi sa sa sarili ko na ikaw na nga.
Pero hindi ko naman magawa
Aliyah Mae, bakit hindi ko sa iyo maipadama?
Ang mga nais ko ipadama sayo
Ikaw na nga sinasabi sa puso ko
Pero hindi ko naman maipakita sayo
Simpleng tugmaan ang aking alam
Dahil doon mo rin ako napaibig, sa iyong pagiging simple lang
Kaya Aliyah, ikaw na nga
Kung meron man... Pero wala naman.
Ikaw lang, sana'y paniwalaan mo.
Tatanggapin ko ang iyong pasya
Alam ko naman na iyon ay mag-iiba
Mamahalin mo rin ako
At iyon ay ikaw na nga #PositiboGaling ko gumawa nung mga panahong hindi pa ako mature. Yung mga tulang mahal kita, hindi kita iiwan. Hahaha. Sorry po at ganyan talaga yung tula ko panahong humaling na humalkng pa ako sa maling pag-iibig na si Aliyah lang iniisip ko imbis na dapat unahin ko muna si Ama. Pero ayos lang dumadaan talaga tayo diyan