Chapter 28: Bibliya

13 0 0
                                    

Nagbabasa ako ng bibliya nang maisip ko ang mga bagay kung bakit ginawa ang bibliya. Ito-ito ang mga 'yun. Huwag kayong magagalit sapagkat ito ay yung ipangkahulugan niya para sa akin

Ginawa ang bibliya dahil sa pag-ibig ng Diyos. Mahal niya tayo kaya nais niya tayong maitama. Nalaman natin ang tama at mali kaya lang ay may isang malaking problema, ginagawa natin ang masama kahit na alam nating masama ito, dahil akala natin masarap ang bawal. Kaya ginawa ito ng mga tagasunod ng Diyos na sinang-ayunan naman niya. Lahat ng nasa bibliya ay totoo. Kung hindi ka naniniwala sa ibang nakasulat dito, huwag ka na ring maniwala sa buong bibliya. Ganun dapat, huwag tayong mamili ng gagawin lamang dahil hindi tayo magiging buo. Ito ang pinakamahalaga ginawa ito upang pagkaisahin ang mga tao sa iisang paniniwala. Nalulungkot ako na iisa lang naman ang bibliya pero bakit nag-aaway ang iba't ibang relihiyon dahil may kanya-kanyang paniniwala sila. Bakit kaya may iba't ibang paniniwala ang may iisa lang namang bibliya? Siguro'y ayaw lang magpasakop ng iba sa iba o sa mismong Diyos. Ayaw nating magpakumbaba, ayaw nating masapawan. Puro tayo pag-aalaga sa ating pangalan. May mali naman talaga, dahil kung Kristyano tayo bakit may iba tayong paniniwala bukod sa bibliya. Ayun lang naman ang manual ng buhay. Ayun lang ang dapat nating paniwalaan. Kung alam lang ng mga tao na ginawa ito upang mapagkaisa ang lahat, edi sana ay matagal ng payapa ang mundo. Sana'y malaman ito ng lahat. Iparamdam sa lahat ang tunay na pag-ibig, ang pag-ibig ng Diyos.


Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon