Chapter 13: Agent Monica

19 0 1
                                    

Tatlong araw ko nang iniisip si Monica, ang nagbigay sa akin ng letter. Hindi talaga ako makapaniwala dahil halos lahat ng aking katangian alam niya, yung ginagawa ko. Nabadtrip lang ako dahil hindi ko siya napapansin kahit isang beses. It's time to hanap hanap na siya. Siguro naman may Facebook siya at alam kong mahahanap ko siya dun dahil schoolmate ko lang siya. Kaya naghanap ako sa FB one time. Hinanap ko lahat ng posible kung anuman ang personalities niya, binase ko yun sa letter na ibinigay niya. Kaya hinanap ko yung Monica na parehas kong grade level at yung may pinakamataas na section sa kanila, siya na yun. May lumabas na tatlong Monica. Tingin sa una, sa pangalawa at sa pangatlo.

"Mukha itong isang ito ang nagbigay ng letter sa akin"

Tinignan ko ang section niya at ngayon alam ko na kung sino siya at ang problema ko na lang ngayon ay hanapin at makita siya sa school. Ipagpapabukas ko na lang ito.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon