Nakaupo ako habang naghihintay magsimula ang patimpalak. Nagdadasal, hinihiling na sana manalo. Pagkatapos kong magdasal ay pinagmamasdan ko ang mga dumadaan sa paligid. Doon ko nakita ang isang babae, taga ibang school. Kamukha ni Aliyah. Hindi lang gaanong mataba. Secret lang natin yun. Siya pala yung tinalo ko sa District Level. Nagulat ako nung tumingin siya sa akin. Naaalala ko nung panahon na yun si Aliyah. Ang naunsyaming pag-ibig. Eyes to eyes kami nun, pero saglit lang. Nung magsisimula na ang contest, pray ako ng pray na sana manalo. Easy, Average ay mas nauuna akong matapos sa kanya kaya hindi ko maiwasan na tignan siyang nagsasagot. Naalala ko talaga si Aliyah sa kanya, kamukhang kamukha. From cheeks, eyes, lips, almost everything. Dumating yung difficult round. Kung saan una siyang natapos. Nagulat ako at pinanood niya ako na magsagot. Kinabahan ako. Lalong lumamig at bumilis ang tibok ng aking puso. I imagine na parang si Aliyah ang nanood sa akin at suportang suporta siya sa akin. Kaya binilisan ko at nang matapos ko huminga ako ng malalim at pinasa na ang papel. Hinihintay pa namin ang iba sa pagsagot kaya sinubukan ko siyang kausapin.
Ate sa tingin mo panalo ka?
Ako? Hindi po. Sa difficult lang ako nakahabol. Ang bilis mo mga sa easy at average eh. Baka ikaw ang manalo.
Malabo. Parang maging tayo. (pabulong kong sinabi)
Ha? Anong sabi mo.
Narinig mo naman yata eh. Hahaahaha. Anong nga palang pangalan mo?
I'm not talking to strangers.
Grabe ka naman. Ako nga pala si Mark.
Sige na nga. Ako si Aliyah.
Ha? Aliyah? Talaga?
Bakit? Oo yun ang pangalan ko. Aliyah Ann.
Talaga? Naalala ko lang kasi yung iniibig ko dati. Pero iniwan niya ako eh.
Okay time's up. Pasa na lahat ng papel.
Tapos na. Siguro na nanalo ka Aliyah.
Hindi ko alam. Malay mo ikaw yun.
Hindi ako mananalo dahil naramdaman ko na iniwan ako ni Lord.
Iniwan? Ikaw ang nang-iwan.
Hala siya. Grabe ka naman sa akin.
Kapag nanalo ka. Huwag ka nang magpapakita sa akin Mark.
Sige. Pero kapag nanalo ka. Ililibre mo ako ng sundae.
Ahhhh. Sige deal.
20 minuto na ang lumipas.
Nandyan na yung result.
Tumakbo ako patungo dun sa resulta. Tinignan ang pangalan ko. 1,2,3 wala. Natalo ako. Pero si Aliyah? 3rd place siya. Salamat. May sundae ako. Pumunta ako kung saan siya nakaupo.
Aliyah. Paano ba yan? Natalo ako, at ikaw ikatlong pwesto. May sundae ba ako mamaya?
Talaga? Hindi ka nagbibiro.
Natapos na ang awarding at nagpaiwan ako syempre kasama ko na si Aliyah Ann. Pumunta kami sa McDo nang kami lang dalawa. Is it real? Friendly niya masyado.
Aliyah. Bakit pinansin mo kaagad ako? Imbis na dapat ay magsungit ka at magtaray gaya ng ibang babae.
Hindi kasi ako ganun. Ang gustong kumausap sa akin kinakausap ko. At ang gustong makipagkaibigan, kinakaibigan ko. Hindi ako takot na mawala silang lahat dahil I know, I have God.
Relihiyoso ka? Anong religion mo?
Wala akong religion pero may relationship kay Lord.
Grabe. Ganun ka na pala kalalim sa kanya. Samantalang ako patuloy na hindi naniniwala sa kanya. Nagchuchurch din ako. Nagdedevotion, pero hindi ko siya maramdaman ngayon.
Talaga. Ayos lang yan mahal ka ni Lord. Gusto mo sama ka sa church namin para may makausap ka.
Salamat ah. Alam mo Aliyah, ang bait mo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Friends na ba tayo?
Syempre kaibigan na kita. Sinabi kasi nang Panginoon na share the love at ipakalat ang salita niya.
Ang dami naming pinag-usapan about kay Lord. At pinaintindi niya sa akin ang pagmamahal ni Lord sa akin.
Mark, dito tayo magkita ah para magchurch. Sana lang at hindi ako ang pinunta mo dun kundi para kay Lord.
Sige. Thank you.
Natapos ang aming pag-uusap tungkol kay Lord. Hindi ko talaga maimagine na makakausap ko siya at makakasama nang ganun katagal. Umuwi ako nang may punong puno at nag-aalab na puso.