Alam niyo sa pagdaan ng matagal na panahon ay nagbago na si Mark. Nagbago na ako. Hindi na ako yung Mark na makikita niyong naglalakbay sa panaginip ng iba. Basta iba na nagsimula ito actually nung bago dumating si Monica sa buhay ko. Nakalulungkot nga isipin eh. Kinuha lahat sa akin ang mga mahal ko kahit na naglingkod ako sa kanya. Sa mga panahong ito na nais kong sumuko at tanungin si Lord ng, Lord, bakit ganito ginagawa mo sa akin, kung kailan ako naglingkod tsaka kinuha mo si Monica. Napalayo na nga ako kay Aliyah nung una eh. Pati si Monica pa Lord. Totoo ka ba talaga. Nagchurch na ko, nagpray, lumuhod sayo, kinantahan at sinayawan ka, gumagawa pa ako ng devotion pero bakit Lord. Bakit mo ginagawa sa buhay ko ito na yurakin ang puso ko. Alam niyo ang Panginoon malupit din eh. Yung mga masamang damo na kapag bumabait kinukuha niya kaagad. Hindi na nagsasaya dito. Eh ako katulad ko hindi niya ako pinapasaya. Stress na sa school, sa church pati sa lovelife. Ayaw akong tantanan nang mga problemang iyan. Sana bumalik na lang si Aliyah. Siya naman talaga ang tunay kong mahal. Iniwan niya lang ako. Matext nga siya.
Aliyah... Kamusta ka na diyan sa US. Bumalik ka na dito miss na kita. Alam ko galit ka sa akin dahil hindi ko naibigay yung ipinangako ko. Sorry talaga dun hindi na ako magdadahilan. Kung may nagawa man akong pagkukulang ay pupunan ko yun. Mahal na mahal kita. Hindi mo man ipinangako na babalik ka pero hihintayin kita. Yung pasalubong ko ah. Kahit amoy lang ng mga libro nila okay na.... Nagmamahal Mark.
Huwag kalimutan...