Dadating talaga sa panahon na mas titibay ang pagsasamahan ninyong magkaibigan. Isasantabi ko muna ang panliligaw ko kay Aliyah at hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang nangyari sa amin ng aking mga kaibigan.
Gori kila Michael tayo magkikita ~tinext ko si Gori para masama ko sila sa church kung saan dinala ako ni Aliyah.
Ah. Sige Mark. Hintayin mo ako.
Yun na nga lumipas ang dalawang oras at 3:45 na ng hapon.
Bahay nila Mike
Ano Mike nakaligo ka na?
Oo Mark. Nasaan na si Gori?
Hintayin daw natin siya
Napatingin ako sa kaliwang bahagi at nakita ko si Gori.
Ayun na pala si Gori eh.
Mark, Mike. Tara na.
Ayun na nga nilakad namin patungo sa church. Inabot ng sampung minuto ang aming paglalakad at nakarating nga kami.
Aliyah, nandito ka na pala.
Kararating ko lang din Mark. Buti naman at nasama mo yang dalawang kaibigan mo.
Oo nga eh. Nakumbinsi ko sila. Grabe talaga kapangyarihan ni Lord. Sobrang powerful niya.
Oo. Siya ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito. Mahal tayo ni Lord at ayaw niyang maligaw tayo ng landas. Ginagawa niya ang best niya
Ayun na nga. Kumanta, sumayaw at nakiisa ako kasama ang aking mga kaibigan sa gawain sa simbahan. Grabeng achievement 'to. Nung isang araw lang kasi ay naiimagine ko na kasama ko na sila dito at nagbibigay papuri kay Lord.
Pauwi na kami nang tawagin kami ni Kuya Win.
Mark. Pwede ba kayo makausap sandali?
Sige po kuya Win.
Ah. May gusto lang sana akong sabihin sa inyo. Mark, Gori, at Mike. Pwede ba kayo sa coffee fellowship. Dun pa natin mas lalong mararanasan ang pag-ibig ni Lord. Dun tayo magbabahagi ng mga buhay natin at kung ano ang naging bahagi ni Lord sa buhay mo. Magpapalakasan tayo dun.
Ah. Okay po. Tuwing kailan po ba yan? ~Gori
Kayo kailan kayo pwede?
Friday po ng 6 pm.
Friday. Friday na tayo ah. 6pm. Sige hindi ko na patatagalin. See you sa friday alam ko handa kayong magpabago sa Panginoon. Sige. Ingat sa pag-uwi. God bless.
Sige po kuya Win. Thank you po.
Ayun na nga at pauwi na kami nang maalala ko si Aliyah.
Aliyah! Sumabay ka na sa amin.
Sige Mark. Mauna ka na.
Ihahatid na kita. Walang maghahatid sa iyo pauwi.
Aliyah sumabay ka na kay Mark. ~Kuya Tiago.
Sige po kuya.
Bro, paano ba yan? Ihahatid ko muna si Aliyah. Mauna na kayo mag-ingat kayo.
Naglakad na nga kami patungo sa bahay niya. Hinatid ko siya at naiwan na naman akong mag-isa umuwi, ay hindi na pala ako mag-isa dahil kasama ko na si Lord.
~~
Sa wakas ay hindi palaging katapusan ang natatamo. Maaaring ito'y simula pa lamang ng magandang bukas. Salamat sa Panginoon na siyang nagbigay ng declaration para makasamang magtipon ang aking mga kaibigan para sa kanya.Sige po. Magpatuloy po tayo.