Chapter 17: Si Lord Lang

13 0 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa McDo. Late na ako. Ayokong pinaghihintay si Aliyah pero emergency lang talaga. Ayun nandun siya. Buti na lang ang hinintay niya ako.

Aliyah! Aliyah! sigaw ko

Mark. Bakit naman ang tagal mo?

Emergency lang. Hindi na importante yun tara na.

Habang pumapasok kami sa church ay winelcome kami ng mga tao. Kitang kita ko ang ngiti sa kanilang mga labi.

Welcome. Dun sa taas.

Aliyah. Sino yan? Hahahah

Si Aliyah oh.

Nag-invite ako, para kay Lord paliwanag ni Aliyah

Umakyat kami sa taas at medyo late na kami. Narinig ko ang masayang kanta. Nagsasayawan sila.

Mark dito tayo. Sayaw. Mark. Talon.

And I will shout for joy... kanta at sayaw na naririnig at nakikita ko sa loob

Lumipas ang ilang minuto at nagpreach na yung pastor. Iba yung nadama ko dito sa church nila. Buhay na buhay. Makalipas ang isang oras natapos na ang gawain. Natandaan ko ang linyang binitawan ng Pastor, Papaano tayo iibig kung hindi natin alam kung sino ang pag-ibig, kung saan ito nagmula.

Aliyah. Ang ganda dito. Dito ko nalaman na yung pag-ibig ay ang Diyos. Na si Lord lang ang makatutulong sa ating umibig.

Alam mo Mark simula pa lang yan. I'm very happy na naramdaman mo si Lord ngayon.

Aliyah. Salamat ah. Nandyan ka. Kahit kakakilala ko lang sayo feeling ko ang tagal na nating magkasama.

Mark. Alam mo dapat hindi lang tayo ang magkasama we need to invite more people para makakilala kay Lord.

Sige try ko ang best ko na makainvite. Pero Aliyah, invite kita sa isang event next month. Kasali kasi ako eh. Ito yun oh. Inabot ko sa kanya ang kapirasong papel na nakalagay ang detalye ng event.

Ah. Poetry. So mahilig ka pa lang tumula.

Hindi naman gaano. Gusto ko lang gumawa ng tula. Pero more on rap ang gusto ko. Creative kasi sobra kapag rap eh pero syempre hindi offensive yung mga salita. Cristiano na ako eh.

Wow. Salamat naman at proud ka na. Alam mo na ah. Yung love ishare mo sa iba.

Oh. Di ba dun ka na sa kabilang kanto. Ihatid na kita.

Huwag na Mark, magagalit si Papa.

...nung sinabi niya ang linyang iyon ay naalala ko si Monica. Kaya dapat ko siyang ihatid.

Ihahatid kita akong bahala.

Ayun na nga naglakad kami. At nang makarating na kami dun.

Sige dito na lang Mark.

Sige pumasok ka na.

Sino yung kasama mo Aliyah?

Ah. Kaibigan ko po Pa.

Papasukin mo.

Mark. Mark. Pumasok ka daw.

Pumasok nga ako. Nakita ko ang tatay niya. Parang namumukhaan ko... Si ninong.

Ninong Alvin ikaw ba yan?

Mark. Bakit kilala mo Papa ko?

Ninong. Ikaw nga. Ako ito si Mark. Yung inaanak mo. Dito na pala kayo lumipat. Ang tagal na rin nun.

Ah. Mark, ikaw nga. Oo tama natatandaan ko na. Kaibigan lang kayo ng anak ko ah. Huwag mong pagtatangkaan to. Isang babae lang to. Baka mapatay kita kapag sinaktan mo ito.

Naku hindi po. Baka siya po manakit sa akin. Sige po Ninong uwi na po ako. Hinahanap na po ako ni Mama.

Umuwi na nga ako sa bahay na iniisip ang mga ginawa ni Lord sa akin. Nagpapasalamat talaga ako sa mga ginagawa niya para sa akin. Destiny talaga at ang liit ng mundo biruin mo si Aliyah Ann ay anak ni Ninong Alvin. Puro A sila ang lupet. Thank you Lord. Ikaw muna sa ngayon. I know kung gusto mong ibigay si Aliyah sa akin, will mo yan.




Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon