Bago ko simula ang panibagong kabanata ay napanaginipan ko na kasama ko si Aliyah Ann sa isang parang kasalan. Pagkagising ko nung mga panahong yun ay naalala ko yung mga panahon na masaya kaming nagkasama. Doon ko naramdaman na umiibig na pala ako. Hindi ko alam kung bakit? Kaya nagplano ako at ito ang kinalabasan...
~~~
Magkasama kaming pumunta ni Aliyah Ann sa isang kainan. Nagkwentuhan kami.
Aliyah, malapit na tayong magmoving-up. Saan mo balak mag-aral?
Ah Mark. Gusto ko sanang mag-aral dun sa malapit lang sa amin. Sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Dun ka din! Sigurado ka. Sabay na tayong pumunta dun. Huwag mong sabihin na STEM ka.
Hindi, HUMSS ako. Ayun na talaga gusto ko. Dun mahahasa ang aking kagalingan na makipag-ugnayan at malaman ang mga nais ng mga tao
Ah. Ganun ba. Ayos lang yun. Praise God at dun ka rin mag-aaral. Hindi ko pa rin talaga akalain na makikilala kita. Tinitignan lang kita nun. Tapos ngayon bestfriend na kita. Aliyah, may aaminin ako sayo...
Habang nagsasalita ako ay parating na ang mga kaibigan ko dala ang surpresa na aming inihanda para kay Aliyah
Aliyah... Mahal... Kita.
Ha? Anong pinagsasabi mo?
Mukha man akong tanga pero simula pa lang nung makita. Tapos ikaw pa ang dahilan kung bakit ko nakilala si Lord. Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon
Sabay pumasok ang aking mga kaibigan dala ang mga pinaghandaan namin
Pulang rosas na sumisimbolo sa pag-ibig ko. Puting rosas na sumisimbolo sa malinis kong hangarin na pag-ibig lang ang ipapakita. Tsokolate, ang tamis ng pag-ibig na aking ipapadama. Ang puso ko, na sumisimbolo ng pag-ibig na ibinigay ng Panginoon. Aliyah, pwede ba kitang ligawan?
Ah. Mark. Ayokong maghintay ka. Bata pa tayo.
Okay lang maghihintay ako pero hindi makapaghihintay ang pag-ibig, huwag ka kang lumayo sa akin at ipakita ko ang tunay kong nararamdaman sa'yo.
Sige. Mark, magkaibigan pa rin tayo. Hindi ako lalayo sa'yo dahil magkaibigan tayo at magkapatid sa Ama. Huwag kang umasa Mark.
Sige ayos lang. Maraming salamat pa rin at tinanggap mo ako bilang kaibigan. Ano tara na uwi na tayo. Ihahatid na kita.
Bago kami umalis ay binigay ko na ang pangkain ng aking mga kaibigan
Mga bro salamat ah. Kumain na kayo.
Umalis na nga kami. Hinatid ko siya sa kanilang bahay at nagpaalam sa kanyang tatay. Naglakad ako pauwi. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Ang tangi kong alam ay maging masaya dahil alam ko ginagabayan ako ng Panginoon. Hindi ako maghihintay na mahalin ako ni Aliyah, ganun umibig ang naglilingkod sa Panginoon.
~~~
Huwag kang maghihintay na mahalin ka ng kapwa mo. Laging mong tandaan hindi siya ang Diyos. Ang Diyos lamang ang kayang ibigin ang lahat. Huwag mong hintayin na masuklian ka ng mahal mo. Masasaktan ka lang, kung mahalin ka man niya biyaya na yun.