Chapter 29: Moving Up na

4 0 0
                                    

Hay. Matatapos na rin ang apat na taon ko dito sa aking paaralan. Marahil high school life nga ang pinakamasayang yugto ng buhay. Nakaupo ang lahat at ako'y nasa dulong hanay. Nagulat ako ng lapitan ako ng Principal namin.

Mark? Ikaw ba si Mark? Nais kong magsalita ka sa harap at ilarawan mo kung ano ang nangyari sa buhay mo sa loib ng apat na taon.

Bakit ako po ma'am? Di ba po ang first honors ang gumagawa niya?

Wala kasi siya. May sakit at nasa ospital. Sinabi ng mga guro mo na ikaw daw ang may pinakamagandang improvement. Ibang-iba ka na daw ngayon ang laki daw ng pinagbago mo.
Sige po ma'am. Isa pong karangalan sa akin 'yan. Para po kay Lord.

Nagsimula na nga ang program. Tinawag ang dapat tawagin at dumating na nga ang pagtawag sa akin.

Para bigyan tayo ng inspirasyon na hindi pa huli ang lahat para magpaayos. Mark Dimahatulan ng 10-Diamond.

Nilakad ko papunta sa stage at nakita kong pumapalakpak ang bawat tao. Tuwabg-tuwa ako.

Whoo! Grabe hindi ko inaasahan na ako ang mag—sasali-ta sa inyo. Kinakabahan ako pero gusto ko lang ikwento ang aking buhay. Noong hindi ko pa kilala ang Panginoon. Hindi ko pa kilala ang tunay na Diyos. Akala ko tama na ang ginagaw ko. Kung magmura ako grabe. Napakasama ko nung hindi ko pa siya kilala. Dumating sa punto nangungupit na ako sa aking mga magulang para lang makapagDOTA. Hindi ko lubos akalain na ang sama ko. Nangongopya ako, nandadaya sa exam. Binabastos ko ang aking magulang. Hindi ko kasi kilala si Lord. Hindi ko kilala kung sino ba talaga siya. Hanggang sa mainvite kami ni Ate Mich. Dun nagpatuloy akong kilalanin siya. Nakilala ko nga at lubusan kong naramdaman kung paano siya magbago ng buhay. Yung dating Mark, wala na. Grabeng pagmamahal na binibigay ko sa Mama at Papa ko. Hindi na ako nagcocomputer para maglaro. Grabe nagtataka nga rin po mga kaklase ko eh. Ano ba meron dun sa Youth Invaders? Nag-iba ka na ah. Dati hugot na hugot mga sinasabi mo, ngayon puro Word of God. Sinasabi ko lang po sa kanila na naramdaman ko lang ang tunay na Diyos. Kaya para po sa ating lahat, huwag tayong mahihiyang magpaayos kay Lord. Magpaayos tayo habang maaga pa. Hindi pa huli ang lahat. Hindi man ako kukuha ng medalya, nakamit ko naman ang tagumpay na hindi mabibigay ng ninuman at iyon ay ang Diyos na nagbabago ng Buhay. (Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata pati ang tao na nakikinig sa akin) Maraming salamat po to God be the Glory.

Bilang pagpaparangal kay Mark. Inihahandog ng buong Arellano ang isang medalya, medalya ng pagkilala sa mga estudyanteng nagbigay ng inspiransyon sa mga tao. Mark, ikaw ang unang paparangalan nito.

Umiyak ako ng panahon yun. Niyakap ako ng mga kaibigan ko at ni Mama at Papa.

Hindi po para sa akin ito kundi para sa Panginoon. Siya ang nagbago ng buhay ko. Hindi pa sapat ito para sa kanyang mga ginawa.

Napuno ng iyakan ang buong paaralan. Tunay ngang si Hesus na ating Diyos ay nagbabago ng buhay.

~~~~
Malapit ko na pong tapusin ang kwento kong ito. Siguro mga limang kabanata na lamang. Maraming salamat sa mga sumusuporta sa kwentong ito. Basahin niyo rin yung iba kong kwento. Mahal ko kayong lahat.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon