Hokage 101

72 0 2
                                    

Bakit pa tinawag na Hokage kung pwede naman nating sabihing makapal ang mukha, malibog o kaya malandi isa lang siguro ang dahilan at ito ay para hindi naman pangit pakinggan at parang mas nakakatuwa kung hokage lang yung tawag sayo. Paano ba masasabi na hokage ka? Marami yan eh. Tulad ng nagnakaw sila ng moment o gumawa sila ng moment katulad nang biglaang pag-akbay, holding hands at baka minsan ay halik pa o kaya ay yakap. Yun yung may mga physical touch. Sa communication naman. Ganito yan kunyari yayayain ka niya manood ng sine, kumain sa labas, at marami pang iba tapos kasama niyo yung mga kaibigan niyo tapos nakaset pala na kayo talaga yung aalis o kaya ay bigla silang mawawala sa lugar na yun kasi walang forever. Hokage yan. Meron din sa spiritual pero parang kasama na rin yun sa physical at iyon yung mga taong gusto lang magsimba tapos tatabi sa maganda/gwapo tapos kapag nag Ama Namin na boom, HOKAGE. Ikaw isa ka ba sa mga Hokage. Kung isa ka ediwow.

#CertifiedHokage

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon