Chapter 26: Hindi para Sa'yo

8 0 0
                                    

Bago ko simulan ang nangyari sa amin kahapon ni Aliyah ay kwento ko muna ang pamantayan ng Panginoon para tanggapin niya tayo sa langit. Whoo. Alam niyo po nung una ginawa ko talaga ito para sa inyo hanggang sa makilala ko ng lubusan si Lord at malaman ko na ang kagalingan kong gumawa ng kwento ay kamangmangan para sa Panginoon. Hindi ko sinasabi na maging tanga kayo, o mahina. Ang nais kong sabihin ay huwag ninyong maging basehan na kilala kayo ng mga tao dahil sa inyong kagalingan bagkus makilala nila kayo bilang tagasunod ng Panginoon. Hindi para sa inyo ang ginagawa ko kundi para magalak ang Panginoon. Naisulat at nais kong pang maisulat ang mga kwentong maaari nating magamit para maging mabuti sa paningin ng Diyos. Ngunit para sa akin ay hindi niyo dito makikita ang mga dapat mong gawin, kundi sa bibliya na siyang magsasalita sayo sa kung ano ba ang dapat mong gawin. Pinangarap mong mapangasawa ang mga nasa wattpad na hindi naman nilikha ng Diyos na walang katotohanan, isang panlilinlang ang ginagawa ng masama upang akalain natin na tunay ang mga kwentong wala namang basehan. Ako po ginagawa ko ang bawat parte ng kwento na may halong realidad upang magkaroon naman ng katuturan ang ginagawa ko. Ang mga gawang akda na walang katotohanan ay walang silbi at wala tayong mapapala. Masasaktan ka lang.

~~~
So ayun na nga. Binalitaan na ako ni Aliyah kung may nangyayari ba sa feelings niya para sa akin. At good news po. Hintayin ko lang daw na makapagtrabaho kami yun naman ang nais ko. Sinabi rin ng Mama at Papa niya na tanggap nila kami bilang magkasintahan. Sinabi naman ng aming Pastor Ben na maaga pa para diyan. Sumang-ayon naman ako dahil maaga pa nga at kailangan pa naming mahubog. Hinihintay ko na ang halos limang taon na magkasama na kami ni Aliyah bilang magkasintahan. Mahal ko siya, mahal ko kayo. Sakit? Hindi para sa'yo.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon