Chapter 4: Sadlife

37 0 0
                                    

Ito na eh, nagsimula na pero bakit ganoon nawawalan na ako ng pag-asa.
Parang masaya na parang malungkot.
Ang daming gustong gawin pero di magawa.
Ang daming gusto sabihin pero di masabi kasi nahihiya.
Napapansin na yung usapan lumalamya.
Nagsasabi ng jokes pero di mapatawa.
Tapos may dumating pa na babaeng kay ganda.
Ayaw magbago ng desisyon.
Gustong ipagpatuloy ang misyon.
Na ituloy ang nasimulan.
Para maani ang natamnan.
Ng mga pawis na parang palayan.
Pero sadlife pa rin kasi parang gusto ko nang ihinto yung ugnayan namin dahil parang may bumabagabag sa isipan ko na parang napakagulo na hindi ko maipaliwanag. Ayoko rin naman na matapos kaagad dahil hindi ko pa naman nasasabi ng direkta. Yung malungkot kasi dun ay yung mga plano ko hindi mangyari kasi siguro hindi pa nakatadhana sa ngayon. Sa tingin ko dadating din yung panahon na hindi na sadlife kundi masaya na at paramg matutupad na yung pangarap ko. Ayoko ko rin naman maging malungkot kasi gusto kong sumaya. Alam nyo yung feeling na gusto mong gawin pero nahihiya ka at wala kang lakas ng loob. Mimsan nag-iisip nga ako kung paano gagawin at paano kung magkamali pero hindi ako nag-iisip ng sasabihin kasi makakalimutan mo na yun kapag nasa real life ka na. Sa tingin ko malapit ng dumating ang kapogian ng lahat pero di ka kasama kasi bullfrog ka.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon