Nabuo ko nga ang piyesa at kahapon ginanap ang paligsahan. Nanalo ako, pero inaalay ko ito para kay Lord at Aliyah Mae. Ito yung nangyari kahapon
Aliyah excited na ako. Palakpakan mo ako ah, ikaw lang fan ko dito eh
No.16 ikaw na.
Hoy Mark ikaw na. Galingan mo ah. Ayokong mapahiya dito. God Bless. Tutulungan ka ni Lord.
Yun nga, naglakad ako patungo sa entablado nangatog ako. Pero naalala ko si Lord at alam ko kasama ko siya sa mga panahong ito. 1,2,3...
Naudlot na Pag-ibig
Aliyah, Aliyah, Aliyah
Sinambit ko ng tatlong ulit
Ramdam ko ang titik kahit na nakapikit
Aliyah, Aliyah alam ko nandyan ka
Aliyah, Aliyah huwag ka nang manakot pa.
Sapagkat hindi ako natatakot na maipadama
Ang pagmamahal ko sayo'y buong-buo.
Pero iiwan mo rin pala ako
Dapat sinabi mo na ito nung una
Hindi na sana ako umiyak at nasaktan pa
Naudlot ang mga pangarap na sa utak ko ay naglaro
Akala ko'y ikakasal tayo
Akala ko'y magkakasama tayo
Akala ko'y hindi mo ako iiwan
Akala ko'y hindi mo ako sasaktan
Akala ko'y hindi ka mawawala sa aking tabi
Pero katulad ka rin pala nila
Kapag nagsawa, mananawa
Kapag ayaw na, aayaw
Kapag suko na, susuko
Kung ano nais nila gawin, ganun ka
Naudlot ang pag-ibig, ang pag-ibig kong lubos
Aliyah Mae, bakit ka ganyan?
Kung kailan nabuo ko na ang pangarap natin, tsaka ka mang-iiwan
Buti na lamang, buti na lamang
Salamat pa rin sa iyo
Dahil ikaw dahilan kung bakit ko nakilala si Kristo
Nakilala ko siya nung nawala ka
Nakilala ko siya, nung hindi kita makita
Nakilala ko siya, nung hindi na kita hinahanap
Nakita ko siya, nung panahong hindi kita iniisip
Nakita ko siya, dahil nabuksan na ang aking mga mata, sa katotohanan na ako'y binulag mo
Kaya ngayon nagpakatatag ako
Nananatili ako sa kanya
Ang lakas ko'y nanggagaling kay Ama
Ang pag-ibig na tinuro niya
Ang pag-ibig na ipinakita niya
Ang pag-ibig na hindi ko naramdaman sayo dahil ito pala'y kakaiba
Sa naudlot nating pag-ibig, salamat po
Kung hindi dahil dun malamang naligaw ako ng landas
Punong puno sana ako ng kasalanan
Kaya maraming salamat sa ginamit mo Panginoon, walang iba kundi si Aliyah Ann