Chapter 30: Africa

5 0 0
                                    

Ang bilis din pala ng panahon. Sampung taon din ang nakalipas pagkatapos kong magsalita dun sa stage noong high school student pa ako. Hindi ako makapaniwala na isa ako sa papapuntahin dito sa Africa para ipakalat ang salita ng Diyos. Opo, salita ng Diyos. Isa na po akong Pastor. Mabilis ba? Sampung taon na ang lumipas. Isang pribilehiyo na paglingkuran si Lord. Isa itong karangalan para sa akin. Ito ang calling sa akin ni Lord. Hindi ko talaga akalain na magiging Pastor ako. Nung high school lang panay ang hugot ko at biglang naencounter ko si Lord. Kung tatanungin niyo kung masaya dito sa Africa. Masaya po dito. Welcome nga kami eh. Tuwang-tuwa sila dahil may mga bagong tao silang nakikilala. Kamukha ko pa nga yung iba dito. Kayumanggi, medyo makapal yung kilay, matangkad, syempre gwapo.

Ang sulat nga pala na ito ay para sa mga nandyan sa church natin. Namimiss ko na yung mga youth na makukulit at yung mga leaders diyan.

~~
Kung alam niyo lang kung gaano kasaya maglingkod kay Lord, grabe. Hindi ko na nga alam kung may problema ako. Isa lang naman ang linya ko tuwing may kakausapin ako, "mahal ka ni Lord" ayan kasi yung naramdaman ko, ipinaramdam niya sa akin ang love. Love is Love talaga at God is Love. Kung pag-ibig lang hanap niyo, hanapin niyo si Lord. Hindi niya kayo iiwan. Kapag may problema kayo, akala niyo hindi niyo na kaya kapit lang sa taas. Kaya niyo yan. Mahal kayo ni Lord. Mahal ka ni Lord.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon