Basahin nyo kung may pake kayo sa akin at kung wala, Ediwow
Ito hindi alam ng karamihan, paano ba ako manligaw? Dati nung una kong panliligaw medyo hindi pa ako sanay. Nauuna ang gawa bago isaisip at isapuso. Pero matapos ang ilang mga pagsubok na dumaan sa kuya Ryan nyo ay natutunan nyang mag-isip. Kaya ngayon hindi muna ako nanliligaw, sinisiyasat at tinitignan ko muna kung paano ako mapapalapit sa kanya. Pero paano ba ako nagkakagusto sa isang babae? Hindi ko pwedeng sabihing love at first sight dahil malabo ang mata ko. Para sa akin kumporme sa pananalita kung medyo maganda sa pandinig ko at yung iba inaalam ko pa. As of now wala pa akong nililigawan kasi baka sa isang move magkamali kaagad kaya lahat ng kilos ay mahalaga para sa akin kaya hindi ko minamadali. Ayokong ligawan yung mga "mas" na babae at ang mga famous kasi mahirap i handle ang mga ganyang relationship. (#Bigword) Pero kahit anong pagtatago ko sa aking mga ginagawa syempre may makakaalam niyan pero okay lamg pogi naman ako, wala lang "mas". Pero gusto ko sa ngayon ay kung manliligaw ako, dapat legal kasi parang pangit na hindi legal sa pamilya syempre nadala na nung past pero wag na nating balikan kasi past is past. Pero balik tayo sa panliligaw. Yung mga kaibigan ko nanliligaw na pero malupit yung kay Francis maangas. Pero sa tingin ko malapit lapit na yung pormal na panliligaw ko at abangan nyo na lang kung gaano ako kasikreto at kapulido luminis ng trabaho, este panliligaw pala...-KingWiwow