Girl Bestfriend

24 0 0
                                    

Girl bestfriend? Hindi uso sa akin yan. Alam ko naman kung saan pupunta yan eh. Magugustuhan mo yung girl bestfriend tapos liligawan mo kaya ayoko magkaroon ng girlbestfriend kasi maraming magsasabi na "Binestfriend mo lang naman yan kasi gusto mo siya/ crush mo kasi siya". Pero hindi nila alam na hindi naman ganoon minsan. Tama na yung hanggang friend lang ang mga girls. Kasi kapag may girl bestfriend ka feeling ng iba kayo at nakikita ng iba na akala nila kayo. Sa pagkilos at pakikitungo mo sa kanya. Tapos darating yung panahon na sasabihin mo na "gusto kasi kita eh, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo na mahal kita" Tapos magbibigay ka ng kung anong bagay na gusto mong ibigay. Ang magiging resulta pa minsan ng pagamin mo ay hindi kayo mag-usap dahil nagulat siya sa mga sinabi mo. Pero may good effect din na baka maging kayo pero sa mga movie lang yun nangyayari haha #Bitter. May benefits naman ang pagkakaroon ng girl bestfriend gaya ng may makakasama ka araw-araw, makakausap hanggang gabi, makakasabay kumain at marami pang iba na parang kayo talaga pero hanggang "friendzone lang muna" pero darating ang panahon na iiyakan mo siya, pakakawalan mo siya para lang sa ikagagaan ng buhay niya dahil hanggang "bestfriend zone lang pala talaga"

Note: May girl bestfriend ka ba na binestfriend mo lang dahil mahal kaya ngayon aminin mo na hangga't maaga pa baka mahal ka din niyan gusto niya lang na ikaw ang mag first move.

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon