1k views. Dahil ba dun ay makapupunta na ako sa langit? Dahil ba dun ay makikilala ako ng Panginoon bilang mabuti? Dahil dun ay maliligtas ako? Dahil ba dun ay makapupunta ako sa langit? Walang silbi 'yan. Ginagawa ko lang naman ito para sa Panginoon. Kung may kasalanan man akong nagawa dito ay noong una yun noong panahong hindi ko siya lubusang kilala. Simula noon ay nalaman ko na kung ano ba ang dapat gawin. Ginagawa ko ito para sa kanya at para ituro naman sa mga mambabasa ang dapat gawin na sa tingin ko ay tama batay sa aking karunungan. Kahit na walang magbasa ng kwento ko wala akong madadamang pagkainis sa aking sarili. Alam ko lang na basta ginawa ko ang parte ko sa application na ito na ipalaganap ang turo niya na isinabuhay ko. Ayoko na po kasing gumawa ng kwento na lolokohin lamang kayo at papaniwalain kayo at iibahin ang pamantayan ninyo para sa tunay na pag-ibig. Hindi ako ganun at hindi na magiging ganun pa. Thank you po sa inyo mga mambabasa at sana po'y nakapupulot kayo ng aral sa aking mga pinaggagagawa dito.