Chapter 22: Si Aliyah "na naman"

13 0 0
                                    

Si Aliyah na naman ang pumasok sa aking isip. Siguro sawang-sawa na kayo kay Aliyah pero ako hindi. Hindi nagsasawa ang pag-ibig, ang damit kumukupas pero ang pag-ibig walang kupas. Ang bakal kinakalawang, pero hindi kinakalawang ang pag-ibig. Iba ang pag-ibig ko kaya sino kayo para husgahan ito. Umibig lang naman ako ng isang babae. Nasasaktan ako kapag may tumatabi sa kanyang lalaki. Si Aliyah yun eh. Ako lang dapat. Makasarili ako. Ayun ang ugali ko dati, pero simula nung makilala ko ang Panginoon namuhay ako na dapat hindi ko sarilihin ang pag-ibig niya. Maraming nangangailangan ng pag-ibig, nga uhaw, tigang, kapos, kulang, hindi pa nakaramdam. Kaya ako bilang isang tagasunod ni Kristo, dapat kong mahalin ang aking kapwa. Hindi ko siya dapat pabagsakin bagkus dapat kong patayuin. Tulungan. Si Aliyah Ann, makapaghihintay yan. Si Aliyah Mae, may sarili ng buhay na hindi ko na dapat guluhin. Dapat magfocus muna ako kay Lord, sa family ko at sa pag-aaral. Naniniwala akong nakatakda ang lahat, kahit na hindi ako gumagawa ng takda, sumasagot lang. Aliyah Mae siguro sa mga susunod na araw ay dapat muna kitang hindi isipin. Aliyah Ann, sana'y tumagal ang ating pagsasamahan bilang magkapatid kay Lord. Lumago tayo ng sabay. Patuloy lang tayo sa kanya gaya ng sabi mo. Tayo'y mga instrumento na kapag ginamit ng tama ay maganda ang kalalabasan. Kakaiba, mabangis, malakas na hindi kakikitaan ng panghihina.

~~~
Tandaan natin na dapat nating unahin si Lord dahil sa kanya nanggaling lahat ng bagay. Malaman natin at maunawaan ang tunay na pag-ibig. Mahalin natin ang ating pamilya, kung tayo'y pinapagalitan ay unawain na lang natin sila sapagkat kaligtasan lamang ang nais nila para sa atin. Kaya share the love gaya ng ginagawa ko. Aliyah, Aliyah, Aliyah, Aliyah, Aliyah, Aliyah...

Love is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon