Para sa mga kapwa ko Pinoy,
Ako'y nagagalak ng pumunta ako sa Africa, pinakita ng Diyos dun na ang Pilipinas ang magiging isang kasangkapan niya para maraming maligtas. Isa lang ang nais kong ipakilala sa inyo. Siya ang Panginoon. Ang Panginoon na hindi patay, ang Panginoon na buhay at bumabago ng buhay. Naging masaya ako ng makilala ko siya, lumago ako dahil sa kanya. Biyaya ng Diyos kung bakit ako nagPastor. Kung bakit ako nangangaral ay biyaya niya. Gusto na kilalanin niyo siya at huwag na tayong maging makamundo. Maglingkod na tayo sa Diyos na bumago ng mga buhay at patuloy na magbabago ng buhay. Ayun lamang ang nais kong sabihin sa inyo. Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Diyos.
~~~~
Ako'y patuloy na maglilingkod sa Diyos. Pastor na ako at Pastora na si Aliyah Ann. Maraming salamat sa Diyos. Maraming salamat sa Diyos na nagbago ng aming buhay. Maraming salamat.Marahil ito na ang huling kabanata na isusulat ko. Dumadating talaga sa panahong natatapos ang kwento dito. Hindi permanente ang Wattpad, mawawala rin ito. Ngunit salamat at naibahagi ko ang isang kwento. Naibahagi ko ang buhay ng isang tao kung paano siya binago ng Diyos.