Panaginip? Kadalasan masaya pero minsan malungkot pero pumunta tayo sa masayng panaginip. Minsan mahirap alalahanin ang panaginip dahil mabilis itong malimutan lalo na kung hindi mo inalala. Sa ibang pagkakataon ay nauulit o natutuloy ang mga panaginip at ito kadalas ang mga naaalala mong panaginip. Minsan din ay yung mga panaginip na mahalaga. Ang pangit lang sa panaginip ay yung halos lahat dun ay hindi mangyayari o imposibleng magkatotoo. Nakakainis pa nga dun ay bitin eh kasi ginising ka dahil late ka na kaya masaya kapag walang pasok ka mananaginip dahil pwede mo pa itong ituloy. Mayroon akong hindi makalimutan na masayang panaginip at ikekwento ko dito.
(Sa Church)
Nasa pwesto ako malapit sa altar. Kasal ko pala nun. Halos maraming pumunta mga kaibigan, kamag-anak, kapitbahay at meron pang media. Akala mo nga ay napakaengrande ng kasal ko. Panay ang kuha ng litrato doon at dito. Nasilayan ko ang aking pakakasalan pero hindi ko namukaan dahil medyo malabo ang panaginip ko. Papalapit na siya tila sobrang saya ko dahil ikakasal na ako sa napili kong babae, hanggang sa may marinig ako na tinig "Mike gising na late ka na" Sabay tayo ako nun kasi hindi pala totoo yung pangyayari at panaginip lang pala.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
May isa pang panaginip na sinabi sa akin ang aking kaibigan. Isang napakagandang kwento na binigyan ko ng kulay.Nakaupo si Kris at masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. May makikita silang paparating na tao at yung ang crush niyang si Nash. Biglang umupo sa tabi niya si Nash at kinausap siya nito. Masayang nagkikwentuhan ang dalawa. Sobrang saya ni Kris. Hanggang sa umabot sa topic about pag-ibig. Hanggang sinabi ni Nash na crush niya si Kris. Masayang-masaya si Kris dahil hindi niya akalain na crush din pala siya ng crush niya at biglang naputol ang panaginip niya dahil ginising siya. Doon na nga nagtatapos ang madamdaming kwento niya.
Panaginip nga naman, kaya kapag bago kayo matulog huwag kayong mag-isip ng mga karanasang imposibleng mangyari. Now you know.