The Trade

3.1K 87 4
                                    

KW'S POV:

Magsasalita pa sana si Vriella ng biglang lumapit na si Patty at si Ara. Nakilala ni Vriella ang isa sa kanila. Ang kandidata ng Lakambini ng Pilipinas si Ara Mae Santos - Miss. Pampangga. Napanganga pa siya sa sobrang paghanga sa ganda ng babaing kaharap niya.

"Excuse me miss. Pwede umalis ka dyan". Mataray na pagpapaalis ni Patty kay Vriella. Tumayo naman ang dalaga at lumipat sa couch na pang isahan lang. Umupo si Patty sa tabi ni Silver, habang si Ara naman ay nakatayo sa harapan nito.

"Silver darling, this is Ara Mae Santos Miss Pampangga". Silver turns to Ara and look at her from head to foot. Tapos ay bumaling muli kay Patty at my ibinulong.

Tumango tango si Patty habang sinasabi, "With flying colors darling, she is one hell of a sucker. See, I told you. Wala ka ng i-intindihin pa. She will pleasure you from top to bottom and she will be your slave for tonight."

"You want to give it a try?" Patty asked.

Hindi maintindihan ni Vriella ang nangyayari, palipat-lipat siya ng tingin sa tatlo. Nagmamasid lang siya at pinakikinggan niyang mabuti ang mga usapan nila.

"Later, let me see the documents first". Inabot ni Patty ang folder. Habang binabasa ni Silver ang document ay nabaling ang tingin ni Patty kay Vriella.

"Darling who is she?" Patty asked while examining Vriella. Lumapit Patty. Nailang si Vriella ng lumuhod ito sa gilid ng upuan niya. Patty'd hand traces her shoulder down to her arms.

"She's nobody" Mabilis na sagot ni Silver, na patuloy pa rin binabasa ang papeles kaya hindi niya napapansin ang ginagawa ni Patty sa dalaga. Naasiwang pilit isinisiksik ni Vriella ang sarili sa upuan upang iwasan ang mga haplos ni Patty.

"For a nobody.. She's quite delectable". Parang naglalaway na aso sabi ni Patty. Lalong kinilabutan si Vriella. Dito naman napukaw ang atensyon ni Silver.

"Leave her". Madiin sabi ni Silver. Pero, parang hindi narinig ni Patty si Silver, dahil ang kamay naman nito ngayon ay dumako sa tuhod ng dalaga. Kinilabutan si Vriella, hindi pa siya nakaencounter ng katulad ni Patty, kaya hindi siya makagalaw, bigla siyang natakot sa nasasagap niyang damdamin nito.

Napatingala na lang siya nang makita si Silver na marahas na hinatak ang buhok ni Patty patayo at palayo sa kanya. Malakas na dumaing si Patty.. "Aargghhhh".

"I said leave her alone!" Galit na sigaw ni Silver tapos ay binalibag siya pabalik sa mahabang sofa kung saan sila nakaupo kanina. Napapangiwi sa sakit si Patty sa pagtama ng likod nito.

"Nakakalimot ka na yata Patty. Saan ka kumuha ng lakas ng loob para harapan mo akong suwayin". Nagngangalit sa galit na sabi ni Silver habang madiin hinahawakan ang panga niya.

"I-I'm S-sorryy. I w-won't do it again". Pilit nitong inaalis ang kamay ni Silver pero lalo lang dinidiinan nito, dahil sa galit kay Patty.

"Tama na! SILVER TAMA NA!" Malakas na sigaw ni Vriella. She was being consumed by Silvers rage. Nagulat ang lahat sa sigaw niya. Pati siya ay nagulat din kung kaya mabilis siyang tumakbo palayo. Kailangan niyang makalayo kay Silver. Ramdam niya ang matinding galit na sumasaklob sa buong pagkatao niya.

Humihingal na tumakbo si Vriella palabas ng bar, at patungo sa isang parking lot. Humanap siya ng pwestong walang tao bago isinara ang kamao at galit na galit na sumigaw ng malakas..

"AAAARRRRRRHHHHHH!!! AAARRRRHHHHH!" Matapos ang ilang ulit na pag sigaw ay humihingal siyang umupo sa isang sulok. Tapos ay umiyak.

"Bakit punong puno ng galit ang puso mo sir Silver". Bulong niya habang pinapahid ang luha. Kinuha niya sa sling bag niya ang cellphone. She dialed Peridot's number. Kailangan niyang ng diversion upang mawala ang galit sa puso niya. Ito ang isa pa sa paraan ng pag kokontrol niya sa pagiging emphat niya. To find her comfort zone, she always find herself every time she's with Peridot. Everytime she feels her sister's love for her.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon