VRIELLA's POV:
"Hello! I'm here to ask about this signage" Sabi ng isang dalaga na papalapit sa bakurang ng bahay. Ganitong oras kasi ako nagtitinda ng almusal sa harapan ng aking bahay. Hawak ng dalaga na mukhang mayaman ang karatula na kung hindi ako nagkakamali ay ipinaskil ko sa may paradahan ng tricycle. Matapos kong ipagbalot ng pancit ang isang suki at mag paalam sa akin ay siya naman ang pinag-tuunan ko ng pansin.
Maganda, maputi, mahaba ang itim na itim niyang buhok. She's around 5'4, balingkinitan ang katawan. She wearing eyeglasses with thick blue frame, skinny dark jeans paired with a navy blue Sabrina. She's also wearing a strappy blue Rusty Lopez sandals and lastly a glossy royal blue shoulder bag.
Nakangiti habang ginagalaw ang hawak na signage. "Are the person to talk too?"
"Ako nga. uhm maupo ka muna." Pag aalok ko sa white monoblack na inuupuan ko kapag wala pang dumarating na bibili. Mabilis naman niya akong pinaunlakan.
"Ako nga pala si Garnet at ako nga ang may ari ng karatula na yan." Turo ko sa karatula na para bang ayaw niyang tigilan sa pagwagayway.
"Okay.. Opps.. here" She handed it back to me. She looks excited.
"I'm Karmela Kazandra Kristine Zapanta, but you can call me K or KK (she wave her hand) that's how my best friends call me. Pero wag lang maririnig ni Dada, coz he does not approve na yun ang itawag sa aking." Pabulong niyang sabi, kahit pa nga dalawa lang kami.
"So, there. Hi!" Sabay abot niya ng kamay sa akin at tinanggap ko naman ito. Pinakita ko sa kanya ang kwarto at pagkatapos ay muli kaming nag usap.
"Actually, Sasa, Anna, and Nina, oh! they're my friends. (She sighed) You see kasi, they rented a house uhm across the campus. The problem is... kasi I don't feel like living with them on the same roof. (she pouted) kasi naman si Sasa, she snores like major sirena" She said while exaggerating it with facial reaction. Nakatutuwa siya magkwento, she seems to be a happy go lucky sweet girl.
"And Anna she always makes iwan her clothes like everywhere." Ngayon naman ay nanlalaki ang kanyang mga mata. I knew my expression is copying her too, but I tried my best not to show it.
"And Nina, she hates making pakialam her gamit. Pero no offense to them ha. They're my best friends, Pero I can't live with them. Me kasi I like my privacy, plus Dada always like surprise visit, baka pag nalaman niya na may friends let their boyfriends in sa house baka pigilan na niya ako makipagkaibigan sa kanila. Hindi mo kasi naitatanong my Dada and I, we have a deal. He promised me na he will never invade my social media privacy. I forbid him kasi to like and favorite my pics on IG, specifically share my picture on his timeline sa FB. Diba! It's so nakakahiya for a girl like me na ila-like ng father ang pics nya sa social media? Grabe!" Halata ang pagkairita niya sa mga ginagawa ng kanyang ama, ngunit puno naman ng galak at pagmamahal ang nararamdaman ko mula sa kanya. She loves her father so much at yun ang nararamdaman ko sa kanya.
"So, how much will I pay you?" Mabilis na pag babalik niya sa topic namin kanina, na natabunan ng mag umpisa na siya mag kwento.
"Um? That would be Two Thousand Five hundred ang monthly fee, and then, tapos you have to pay me na one month advance and one month deposit na rin." Nag eherm ako, tapos ay medyo hinawakan ko leeg ko dahil nakokopya ko siya magsalita.
"Okay." Nakangiti at mabilis niyang sagot.
"Pero wait (parang may bigla siya naisip) How about, I make the rental fee Five Thousand na para kasama na rin ang meals ko, medyo pihikan kasi ako sa food kasi may allergy ako sa chicken, shrimp & peanuts. Okay lang ba? Mukhang masarap ka naman mag luto. (She was giving me a puppy dog eyes)."
![](https://img.wattpad.com/cover/40482684-288-k462722.jpg)
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...