Overwhelming

2K 49 1
                                    

Overwhelming - 06/13/17

VRIELLA:

"Bakit ang init?" Ramdam kong 'di pa ito ang oras ng gising ko. Ayaw pa rin dumilat ng aking mga mata. Antok na antok pa ako.

"Ayoko pang gumising. Please gusto ko pang matulog. Please naman." May himig reklamo kong ungol at bulong. Padabog na hinawi ko ang aking kumot dahil sa init ng nararamdaman ko. Kinapa ko sa paligid ang isang unan upang yakapin ito para mas maging kumportable ako sa pag tulog. Pero hindi pa rin! Mainit pa rin. Yung tipo ng init na nag mumula sa loob ng katawan mo at hindi dahil sa init ng kapaligiran o panahon. Yung tipong pati pag hinga mo ay binabagayan na ang nararamdaman mo, tapos unti-unting lumalalim ang bawat hugot mo ng paghinga. Pero, dahil inaantok pa talaga ako, pilit kong nilalabanan ang pakiramdam na umiistorbo sa masarap na pagtulog ko.

Sa oras na ito maikukumpara ang sitwasyon ko dalawang tao na nagrere-wrestling. Yung nakikipagbuno ang antok at kagustuhan kong matulog sa nakagigising na init ng katawan na nararamdaman ko. Pero tulad ng mga nag daang araw matapos kong ma- unblock si Silver ay nagsimula ko nang maranas ang kakaibang problema na ito. At dahil kasama ko siya sa iisang bubong! Nahihirapan akong mag adjust, well ang totoo nyan, hindi pa ako maka-adjust sa kalagayan ko ngayon.

Silver is different from others. His emotions are always on the extreme mode. No moderation, always on top of his emotions. The moment he put his mind and heart into it Boom!!! Para akong sirang kuntador ng meralco na bigla na lang bumibilis ang ikot.

Panay ang padyak ko, habang pinipilit kong dumilat. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 5:33 A.M palang.

"Bakit ang aga-aga naman." Lately, natututo na rin akong mag reklamo, mainis at sumimangot. Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa mga emosyon na natutunan ko dahil kay Silver. Hinigpitan ko pa ang yakap sa unan. Tapos ay inipit ko pa ang isa sa pagitan ng aking mga hita. Lumingon ako sa pader na pumapagitan sa kwarto naming dalawa ni Silver. Tila may x-ray vision kong tinitigan ang pader. Umupo ako sa kama dahil hindi na talaga ako komportable sa nararamdaman ko.

"Tatlong araw na. Errrhhgg" Naiiyak sa inis kong sabi, sabay kamot sa ulo dahil sa labis na pagkayamot.

"Araw-araw ba 'to?" Itinakip ko ang unan sa mukha ko tsaka tumili. Dumapa at muling pumadayak. Kailangan kong makagawa ng paraan para malabanan ang nararamdaman kong init ng katawan. Pero tila matatalo na naman ako ngayong araw na ito, dahil parang may kung anong mabigat na bagay sa dumadaloy sa katawan ko. Pababa ng pababa ng pababa.

"Hindi... Hindi!" Bigla nanlaki ang mga mata ko ng maramdamang ang bagay na iyon. Bigla akong nataranta.

"Hindi! Hindi 'to pwede. Hindi... hindi talaga." Malakas na pag iling ko.

"Kailangan kong matutuhan kong paano ko k-kontrahin ang ganitong pakiramamdam." Determinadong kong sabi.

Biglang uminit ang punong tenga ko muntik na kong mapasigaw. Bigla kong tinakpan ang aking bibig. Mabilis at patalon akong bumaba sa kama at patakbong pumunta sa kusina. "T-tubig.. m-malamig. Tama! Tama!" Natataranta at nag mamadali kong sabi. Agad akong kumuha na malamig na tubig sa ref. di na 'ko kumuha ng baso. Doon na ako mismo imunom. Pero parang hindi effective. Ramdam ko pa rin ang patindi ng patinding init na bumalot sa aking pagkatao. Ang paghinga ko na tila ba kinakapos at ang mainit na kiliti sa aking talampakan. Tila may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko, at may kung anong bagay ang nakahandang sumabog sa kalooban ko.

"Anu ba... Anu ba.. Silver, bakit ba kasi... ahhhrrrr.. Anong bang gagawin ko... Hoooo hoooo..." Muli kong binuksan ang ref at kumuha ng ice tube inilagay ko sa pitsel na may malamig na tubig at muling uminon. Ngunit bigla akong napahinto. Parang pinamaso ang dibdib ko, unti-unting tumutiklop ang mga daliri ko sa paa.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon