Emptiness

3.1K 97 12
                                    

VRIELLA'S POV:

Pagkaraan kong ma-confine sa hospital for almost six days ay umuwi muna ako sa bahay ng aking tiyahin kung saan doon din nakapisan si Peridot. Halos matunaw ang puso ko ng muli kaming mag yakap ng aking kapatid. Ang trahedyan nangyari sa pagitan namin ni mr. Demonteverde ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ko at nang kaisa-isa kong kapatid. Kaya naman ipinangako ko sa aking sarili na hindi na muling mangyayari ang bagay na iyon. Hindi na ako makapapayag na muling malagay sa kapahamakan ang buhay naming magkapatid.

Blocking him is the only right thing to do. Ngayon ay wala ng kahit anong epekto sa akin si mr. Demonteverde. Bagaman sinabi ni Robert na agad naman daw inutos ni mr. Demonteverde na piyansahan ang kapatid at kasamahan ko noon araw na isinama ako ni mr. Demonteverde sa malaki at magarang bahay nito, ay huli na ang lahat. Nakapag desisyon na ako at hindi ko na ito maaring bawiin pa. I can't unblock him. Patuloy pa rin namin (Marigold's team) na pinag aaralan ang parteng iyon ng kakayahan ng isang Empath.

Sa mga nakalipas na araw, bagaman nakabalik na ako sa aking tahanan ay hindi pa rin ako bumibisita sa dinemolish kong store. Mas inuna ko muna ang makahanap ng paraan upang kumita, sinubukan ko munang maghanap ng trabaho. Pero, kahit ito ay mailap sa akin, o mas tamang sabihin umiiwas sa akin.

Palabas na ako ng hotel, kung saan matagal na akong inaawitan o kinukumbinsi na mag trabaho sa kanila bilang isang Patissiere, pero sa kadahilanang hindi ko alam pero nararamdaman ko naman, ay tinanggihan nila ako. Dama ko ang panghihinayang nila habang tinatanggihan ang application ko, isama pa ang kaba na nararamdaman ng manager na nag interview sa akin.

Sabay sa mga araw na nakalipas ay ang paghihirap ko na makakuha ng pansamantalang trabaho upang makabangon muli sa pagkakawala ng aking negosyo. Hindi pa rin niya ako tinitigilan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang lumalabas ng hotel.

Napahinto ako, napangiti at napailing. Ilang araw ko na siyang anino, siya rin ang dahilan kung bakit alam kong may kinalaman na naman si Mr. Demonteverde sa kinalabasan ng application ko.

Magaling si Robert hindi ko siya mailigaw, pero hindi niya alam ang kakayanan kong basahin ang nararamdaman niya. Kaya naman nagawa ko siyang pag taguan. Kumakamot ang ulong naglalakad si Robert, halatang hinahanap ako. Samantalang ako na ang sumusunod sa kanya.

"Wala na yun, natakasan ka na." Natatawa kong sabi sa kanya.

Napahinto siya habang guilty na humarap sa akin. "Ah.. Eh... Ano miss Garnet. ..Kasi?" Hindi nito naituloy pa ang sasabihin.

"Samahan mo akong mag lunch, palagay ko naman kasi magsasayang lang ako ng pera sa paghahanap ng trabaho ngayong araw na ito. Kaya mas makabubuting kumain na lang tayo". Masigla kong sabi. Sumunod naman ito sa akin. Nang makarating kami sa isang kiosk upang bumili ng banana que ay hinawakan ako sa braso ni Robert.

"Miss Garnet dito mo gusto kumain, eh puro turon at banana que lang po ang tinda rito?" Hindi siya nang iinsulto. Bagkos nag aalala ito.

"Bakit ano naman ang masama sa turon at banana que? Hindi ka ba kumakain nyan? Malinis naman yan" Tanong ko sa kanya, baka kasi nag aalala siya na marumi ito.

"Kumakain naman ako, ang kaso lunch time na. Hindi yan dapat ang kinakain mo, lalo na at kagagaling mo lang sa sakit ms. Garnet". Magalang na paliwanag nito.

"Kung okay lang sayo ako na lang pipili ng kakainan natin". Alok nito. Pinakiramdaman ko muna siya. And after confirming the sincerity of his offer ay tumango ako at sumunod sa kanya. Dinala niya ako sa isang fast food. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang ang mag tanong.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon