Vote. Comment. Share.
VRIELLA'S POV:
Marunong din pala umintindi si Mr. Demonteverde. Weeks passed by without any stressful or negative aura around me, plus my current situation is a bit lighter than the months of struggle with Mr. Demonteverde on my side. Iba talaga kapag positive ang lahat ng nasa kapaligiran, mula sa magandang umaga, malinis na hangin at maaliwalas na pag gising.
Kahit hindi pa nabawasan ang aking pino-problema ay hindi rin naman ako gaanong nahihirapan. Sa ngayon kasi ay may munti na akong pinagkakakitaan ng pera. Nagtitinda ako ng almusal sa tapat ng aking bahay. Dalawang kanto kasi mula sa kinatitirikan ng aming bahay ay may mga private at public school. Kaya naman mabenta ang mga almusal at pambaon ng tinitinda ko. Dito naman kami nag simula ng aking mga magulang sa pagtitinda ng pagkain. Ito talaga ang negosyo ng aking mga magulang bago sila pumanaw.
Ang tungkol naman sa ampunan, sa awa ng Dios ay nabigyan ako ng palugit ng DSWD sa pag papaayos ng ampunan. Ang mga kasalukuyan ko namang utang sa banko ay nagawan ko rin kahit papaano ng paraan. At ang huli si Peridot, hindi ako nahihirapan sa kanya ngayon dahil pansamantala akong tinutulungan ni Tupe & Tyfa sa gastos. Ipinangako kong babayaran ko sila sa oras na makaluwag-luwag ako.Wala na rin si Robert na palagi kong anino. Nakakamiss din ang kakulitan ni Robert. *Sigh*
Pinipilit ako ng mag asawa na tanggapin at gamitin ang pera mula sa auction ngunit hindi ko ito tinanggap. I told them to use the proceed para sa ibang bagay na lang, pero sinabi nilang hindi nila ito maaring gamitin dahil ito ay nakalaan para sa pag papaayos ng ampunan. Sa huli ay nagawa ko silang kumbinsihin na gamitin nila ito upang muling mabili ang mga shares of stock na nawala sa kanila upang maibalik ang pamamahala ng kanilang kumpanya sa kanilang mga kamay.
Hindi pa rin naman ako tumitigil sa pag hahanap ng paraan upang kumita. Napag isipan ko na rin mag pa-bed space. Sayang din kasi ang opportunity na ilang metro lang ang layo ng dalawang magkatapat na university ang aming bahay. Kung tutuusin ay isang sakay lang ng tricycle ay makakarating kana sa unversity. Marami-rami na rin naman ang nag papa-bed space sa lugar namin simula ng naitayo ang pangalawang University. Noong isang araw lang, ay inayos ko ang kwarto namin ni Babyloves. Ito ang kwarto na pauupahan ko. Dalawang babaeng istudyante lang ang tatanggapin ko, siguro naman ay malaking tulong na iyong upang makabayad din ako sa mga utang ko sa banko. At kapag nabayaran ko na ang lahat ng utang ko maarin na uli akong sumubok na itayo muli ang aking cake & coffee shops business.
Matapos kong magawa ang lahat ay nag mamadali akong maligo at magbihis. Balak ko kasing dalawin sina ate Minda at ang iba ko pang mga dating kasama sa trabaho. Matagal tagal ko na rin silang hindi nakakamusta. Palabas na ako ng kwarto ng may maramdaman ako. Napahinto ako. Napatigil. Nagtataka ako.
"Anong ginagawa nya rito?" Mahinang tanong ko. Pag lapit ko sa pintuan at huminga ako ng malalim, kahit alam ko na kung sino ang nasa likod ng pinto na kumakatok.This is the funny part na ako lang ang nakaka-alam. Kinakailangan kong mag mukhang nagulat sa hindi inaasahan pag dating ng isang bisita. Nang buksan ko ang pinto ay bumungan sa aking si Oliver nakita ko ang agad ang dala niyang mga pulang rosas.
"Oliver!" Kunwari ay na surpresa ako sa kanyang pag dating.
"Surprise."
Let's see Vriella how do you access him. Maganda ang boses, gwapo, maganda ang smile, mabait, matangkad, gentleman... hmmn? hindi naman feeling playboy. Interesado sa akin pero hindi naman inlove, wait, hindi pa pala inlove, pwedeng ma-inlove on the process. What else????
![](https://img.wattpad.com/cover/40482684-288-k462722.jpg)
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomansaTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...