Debonair

4.8K 82 0
                                    

SILVER'S POV:

Sa kagustuhan kong makasunod sa yapak ng aking ama bilang isang U.S. Navy SEAL, bata pa lang ay binuo ko na sa aking isipang ang maging katulad niya. However, hindi ito naging madali, dahil sa higpit ng mga requirements.

Puntos ko na sana na ang aking ama ay may dugong banyaga, ngunit ng mapangasawa niya ang aking ina ay sa Pilipinas na sila nanirahan at mas pinili niyang maging isang Filipino citizen. Pinili niyang dumito na sa Pilipinas kapiling ang aking ina. Sa huli, ang tanging option ko na lang ay ang manirahan sa America. Pinilit ko silang payagan akong mamuhay at makapag aral sa America. Hindi naman ako nabigo dahil nasunod naman ang aking kahilingan.

Sa kabila na pag pupursigi ay hindi pa rin umaayon ang lahat dahil masyado pa raw akong bata. Mahabang pang panahon ang aking hihintayin. Sa puntong iyong ay parang nawawalang na ako ng gana. Nag nanais na akong bumalik sa Pilipinas ng mga panahon na iyon.

Hanggang sa dumating ang isang pangyayari. Isang gabi, malakas ang ulan at napakadilim ng paligid. Gamit ang aking flashlight ay tahimik kong binagtas ang isang eskinita upang makapag shortcut, at habang papauwi ako ay may natanlawan ang aking flashlight ang isang lalaking halos wala nang buhay sa gilid ng isang malaking basurahan. Sa halip na matakot ay may kung anong pwersa ang nag udyok sa akin upang tulungan siya.

Nagawa ko siyang itago sa basement ng aking tiyahin. Hindi siya pumayag na tumawag ako sa 911, o kaya naman ay dalhin siya sa hospital. Sa halip ay tinuruan niya ako ng mga dapat kong gawin upang gamutin ang kanyang mga sugat. Gamit ang mga iba't ibang bagay, dahon at disinfectant, alak at kutsilyo at kung anu-anu pa na available sa kusina ay itinuro niya sa akin kung paano siya gagamutin. Matiwasay ko naman nagampanan ang lahat ng kanyang instruction. Sa huli, nagawang kong makapag ligtas ng isang tao, at masarap pala sa pakiramdam. Muli tuloy na numbalik ang kagustuhan kong matupad ang pangarap ko.

Makalipas ang ilang linggo ay gumaling na ang lalaking tinulungan ko. May French accent siya, pero marunong naman ang English.

"My boy, Quel est votre nom?" Nakakaintindi naman ako ng french kaya sinagot ko siya. "Silver Demonteverde". 

"Silver, hmmmm. You have a very potential name." 

"What do you mean sir?" Hindi niya ako sinagot, sa halip ay makahulugan lang iton ngumiti. Lumipas pa ang ilang araw at nagulat na lamang ako na wala na siya sa basement. Parang may malaking bahagi sa aking puso ang nanghihinayang sa pag alis niya dahil sa maikling panahon ay nakagaanan ko na siya ng loob. Hindi ko man lang nalaman ang kanyang pangalan. After a few more months, I found myself inside a huge facility, wearing a blue shirt and with a label "RECRUIT". At dito nakita ko muli ang lalaking tinulungan ko. Nakaupo siya sa isang stainless chair. Sa aking palagay ay matagal na siyang naka upo roon at hinihintay ang aking pag gising. 

"You.. Who are you?" Nilibot ko ang aking tingin at bumalik muli sa kanya 

"Where am I?" 

"I'm Officer Jaden Van Riose. Welcome to Oversight Silver my boy". 

"Why am I here?" Puno ng kalituhan ang aking isipan. 

"As I have said, that is if you could still remember. I told you that your name has potential". Nagkibit balikat siya at muling nag salita. "Frankly speaking, I have never trusted my instinct when it comes to trusting people, but with you my boy..." Tumayo siya at lumapit sa akin. 

  "You changed that... I can see your future, yes.. huh.. Yes... You..." He pointed his finger at me.

  "You.... will be my successor, and the next overall officer of Oversight. I will personally make sure of that". He was saying all those words with remarkable confidence and conviction. Ang mga katagan kanyang binitiwan ay tumatak na sa aking isipan at naukit sa aking puso at pagkatao. Kinuwento niya sa akin ang lahat ng mga pangyayari kung paano ako nakarating dito sa Oversight. Pinaimbistigahan nya ang buong pagkatao ko, at nang nalaman niya ang kagustuhan kong mag lingkod sa bayan bilang isang SEAL.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon