Parted II

1.7K 44 16
                                    

Parted II

Posted date: September 25, 2018

Note:

· Unedited (you all know the drill Hahaha ;)

· Subject for revision (in case topakin ako)

· To all my readers (silent/faithful/new/etc.) Thanks guys!

. Have a great day!

. Lastly Thanks be to God for all the blessing we all received.

. Peace out

----Tulad sa isang rosas na kahalihalina ang angking bango at ganda.

Na lumalarawan ng wagas na kaligayahan at dalisay na pag sinta.

Subalit ang mga tinik na taglay nito'y kinakailangan mong hawakan,

Mahigpit, matagal, masusugatan ka, luluha at masasaktan.

Ganyan ang pag-ibig sa pagitan nating dalawa,

Ang unang bibitiw sa atin ay sino nga ba?

Ikaw ba o ako, sino nga kaya sa ating dalawa?---- KWcornerpoetry ;)

(2nd month after the abduction)

Vriella: Carl's Adoption

Patuloy kong binabalikan ang nakaraan. Ang lumipas na mga buwan, kung asan noon ay patuloy akong kumakapit nang mahigpit sa mga tinik ng rosas habang ikinukubli sa mga ngiti ang hapdi ng sugat, ang sakit at ang pagdurugo ng aking puso.

"Um? Amanda, pwede ko bang malaman kung nasaan ngayon si Silver? Gusto ko sana s'yang makausap ng personal."

Mahinahon pero may pag-aalangan kong tanong sa kanya. Siya ang pumalit kay Robert na nakabuntot sa akin na tila ba anino ko. Hindi na ako nag usisa pa, o nagtaka. Alam ko namang hindi niya gagawin ang mag bantay o mag ubos ng oras para lang sundan ako. Walang dudang ginagawa nya lang ito dahil sa utos ni Silver. Nararamdaman ko na labag sa kanyang kalooban ang pag sunod, subalit wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa utos no Silver. Wala naman yata talagang hindi napapasunod si Silver sa kagustuhan nya. Parang may sariling batas si Silver na hindi magagawang baliin ng kahit sino man sa nasasakupan niya.

Kasalukuyan kaming nasa bahay ampunan ni Amanda. May natanggap kasi akong sulat mula sa DSWD na hindi pumasa ang application ni Silver para ampunin si Carl. Maiintindihan ko naman sana kung bakit ganoon ang results, dahil mayroon naman talagang mga applicants na hindi pumapasa ayon sa patakaran o kaya'y sa kakulangan sa kapasidad na mental, emosyonal o maging pinasyal. Pero ang hindi ko matanggap, ay ang kaya siya hindi pumasa ay dahil hindi nito sinipot ang mga scheduled interview nya. Kung sinadya ba nya o hindi, yang ang gusto kong malaman mula mismo sa kanya.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon