THE DANGER IN LOVING YOU
Posted: February 23, 2019
ROBERT:
Vriella: Wedding Expo. Here at LeyLand Convention Center, Batangas
Nag post ng selfie si Ms. Vriella sa FB nya at nakita kong nasa convention pala siya. Nag like at nag comment ako sa picture nya.
Robert: You look great ms.Vriella, buti at nakaalis na ang bagyo dyan. Enjoy Ms.Vriella! Don't work to hard (insert winking emoji)
She replied to my comment quickly.
Vriella: Hello Robert, thank you. Oo buti na nga lang umalis na. Hahaha don't worry I'll try my best not to overwork.
Robert: Pasalubong ko ms. Vriella wag mong kalimutan.
Vriella: Sige uwian kita ng isang garapon ng tubig mula sa dagat.
Her reply was followed with a laughing emoji. I chuckled after reading it.
Mukhang nag-eenjoy siya ng husto. Mabuti naman kung ganoon kasi parang napaka-busy nya palagi. Kapag ganyan siya ng ganyan nasisiguro kong mabilis na lalago ang kanyang negosyo, at sana magkaroon din siya ng mga branches para mas higit siyang makilala.
Panay ang like ko sa mga pictures niya, naghahanap pa nga ako ng malalagyan ko ng mga comments. Napansin kong marami-rami rin ang tao sa paligid niya habang nag se-selfie siya. Nakakatuwa dahil lahat yata ng magagandang pwesto at may magandang background sa loob ng convention ay nagse-selfie sya. Di na ko magtataka kung kay Dra. Marigold niya natutunan ganung bagay. Ramdam kong di nawawala ang ngiti sa aking mga labi, magaan sa pakiramdam na makitang muling nakangiti si Ms. Vriella at idagdag pa na lalo siyang gumaganda. Nakakahinayang nga lang talaga ang kinahantungan ng relasyon nila si Sir. Silver.
Naalis bigla ang pansin ko sa cp nang bumukas ang pintuan. Tumayo ako ay bumati sa taong pumasok mula rito.
"Sir, may lakad po ba tayo ngayon?" Tanong ko kay sir Silver.
Tumingin muna siya sa kanyang relo bago sinabing, "It's okay Robert, you can go back to what you're doing." Sagot niya bago tuluyang pumunta sa kanyang office table, umupo siya sa kanyang upuan at itinuon ang atensyon sa kanyang laptop.
Muli naman akong bumalik sa mahabang sofa at ipinagpatuloy ang pag like at pag browse ng mga pictures ni Ms. Vriella.
Kasalukuyang kaming narito sa office ni Council Raven dito sa Oversight. Simula kasi ng maghiwalay sila ni Ms. Vriella ay naging madalas na kami dito. Dito nya ginugugol ang oras niya kapag tapos na siya sa trabaho niya sa kumpanya ng kanilang pamilya, at dito inuubos niya ang kanyang panahon sa pagtutok sa kanyang laptop o kaya sa tambak na mga papeles na may kinalaman sa mga mission na di naman dapat niya pinakikialaman dahil nga part na siya ng Council. Kung tutuusin kasi dapat puro utos na lang ang ginagawa niya. Pero di kasi sya tulad ng ibang Council members, hands on pa rin siya na madalas pa nga ay sumasama at nag li-lead ng isang team. Ito kasi ang paraan niya para pansamantalang mawala sa isipan niya si Ms. Vriella. Pansamantala lang kasi alam ko kayang hindi naman talaga mawawala sa isip at puso niya si Ms. Vriella, eh mahal na mahal kaya niya 'yun.
Iniangat ko ng kaunti ang aking mukha upang masilip ko siya. Hmmn.. mukhang seryoso na naman siya sa pagkakatutok sa laptop niya. Sigurado gagabihin na naman kami ng uwi nito. Tsk!
Ewan ko ba bakit nangangati akong kunin ang atensyon niya sa ginagawa niya. Hindi naman yan magagalit, kabisado naman nya ako, madalas pagnararamdaman niya na umaandar ang kakulitan ko sa utak ay hindi lang niya ako pinapansin. At kapag sinuswerte, uutusan na lang niya akong mauna ng umuwi. Sa aming kasing tatlo ni Amanda at Richard sa akin sya may pinakamahabang pasensya. Ako kasi yung tumatayong pinakabunso sa aming tatlo. Kaya malakas ang kutob ko na papayagan na niya akong maunang umalis. Sana lang eh hindi mainit ang ulo. Kasi kapag hindi ko napansin na mainit pala ang ulo o wala sa mood, yun lang, sinasamangpalad ako. Madalas akong maparusahan at kadalasan ay sinuswerte naman ang mga janitor dahil ako ang pinaglilinis niya ng lahat ng inidoro ng mga hinay^p@k na preso sa oversight.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...