SILVER'S POV:
Ilang araw na lang at matatapos na ang training nila Richard, Robert at Amanda sa Island ni chef Jaden. Ilang araw na lang din ay ikakasal na kami ni Agatha. Pero gusto kong kasama ko ang tatlo sa mahalagang araw na iyon ng buhay ko, kaya naman hinihintay ko talaga ang makatapos muna sila sa special training bago kami ikasal ni Agatha.
I was on my way to fetch her para sabay na kaming umuwi ng bahay when my phone rang.
"Hey sweetheart, I miss you". Masiglang bati ko.
"I miss you too sweetheart". Humahagikgik na panggagaya niya sa akin. Magkasama lang kasi kami kanina nang mag sukat siya ng gown. Tapos ay hinatid ko na siya sa school.
"I'm on my way sweetheart" Sabi ko.
"No sweety, that is the reason why I called you. I'm home now". That's new. Hindi siya kailanman nauunang umuwi, palagi niya akong hinihintay.
"Why didn't you wait for me?" May bahid ng inis kong sabi.
"Coz, I wanted to impress you with my cooking. I asked my co-teacher to teach me how to prepare your favorite dish. Well, we both know I'm not that good in cooking, but, I really wanted to impress you sweetheart..... So please don't be mad at me". Alam niya sa tono pa lang ng pagtatanong ko na naiinis ako.
"That chicken milano better be good or else you will be my dinner and my breakfast". I said with naughtiness.
After a few minutes ay nasa parking lot na ako. Lumakad na patungo ng elevator. Hindi ko na tinawagan pa si Agatha dahil gusto ko siyang masurpresa. Matapos pumasok sa pintuan ay dahan-dahan lang ang aking kilos na tinungo ang kusina kung saan alam kong nandoon siya.
"What took you so long?"Tanong ng isang lalaking hawak sa balikat si Agatha habang nakaupo at nakagapos ang mga kamay. Ang bibig nito ay naka tape. Panay ang iyak, habang sinusubukan kumawala sa lalaking may hawak sa kanya. May nakatutok na baril sa ulo ni Agatha.
Hindi ako makakilos, may mga armadong lalaki rin ang nakapaligid sa pinaka-leader nila, habang sa tabi ko naman ay may apat na kalalakihan na nakatutok ang lahat ng baril sa akin.
"Let her go. It's me you want. Just set her free". Sabi ko sa kanila, alam kung ako talaga ang kanilang pakay. Dahil base sa mga itsura nila, isa silang mga trained assassin na kagaya ko at malakas ang kutob kong kabilang sila sa pinaka mortal na kalaban ng Oversight. The Zetta-Molotov a Russian group of assassin. Alam kong malaki ang atraso ko sa kanila dahil ninakaw ko sa kanila ang Genesis-239, That mission was completed a long time ago. And the Genisis-239 in safely hidden inside a maximum security protected facility.
Genesis-239 is a fissile, meaning it can sustain a nuclear chain reaction, leading to applications in nuclear and nuclear reactors. Isa ito sa component upang makabuo ng isang nuclear weapon.
"Now, why would I do that, when we both know that she's our key in taking back what was once ours. But, let's not rush ourselves here". Yumuko siya sa at inilapit ang ulo kay Agatha na takot na takot at na nginginig ang buong katawan. Hinawakan niya ang buhok ni Agatha at inamoy.
"Let her go!" Sigaw ko sabay sugod sa kaniya. Mabilis naman akong tinutukan ng mga kasamahan niya sa ulo at isang malakas na pagpalo ng baril sa aking likuran ang nag pawala ng aking ulirat.
---- 0 ----
They've been torturing me for days, but they couldn't break me. Hindi ko ibinigay ang kailangan nila. Kahit bugbog at hinang-hina na ako, o kahit pa patayin nila ako ay hinding hindi ko isusuko ang Genesis-239. Hindi ako makakapayag na mapasakamay nila ang isang sandata na maari kumitil ng milyon-milyong buhay ng tao.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomansaTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...