Mahal Ko

2.8K 69 6
                                    

Note to readers:

TGBTG!

Unedited.

Thank you to MTS-2 readers!

Samantalahin natin habang sinisipag at hindi nilalamon ng realidad.

VRIELLA:

Tinutoo ni sir Silver ang lahat ng sinabi niya. The deal was written in black and white. May witness, notaryado at binigyan pa niya ako ng kopya. Parang napakabilis ng pangyayari, ngayon ay bawal ko na siyang tawagin sir, dahil nga! Nobyo ko na raw siya (Technically - sabi niya). Nalilito pa rin ako. Kaya naman higit ko siyang iniwasan, may tatlong araw na rin ang lumipas na para akong nakikipag laro ng taguan sa kanya. Madalas ay tumatakas ako. Sa umaga, di na ako bumabangon ng maaga at kapag nakaalis na siya, doon na lang ako lumalabas. Ang nakakukunsensya lang ay sa tuwing papasok ako sa kusina ay may nakahain ng almusal at may maliit na sulat na,

Eat your breakfast Mahal ko...

Isa pa yan hindi ko na siya maaring tawagin Sir Silver o Kaya Mr. Demonteverde. Gusto niyang tawaging ko siyang MAHAL KO. Baka sakali raw kasi, kapag paulit-ulit ko siyang tawagin na ganun at kung makasanayan ko ay subconsciously makatulong sa pagtibag sa naka-program ng firewall sa utak ko. Hayyy... kung ganoon lang sana kadali ang lahat. Pero ako ang may katawan, ako ang may isip at puso, at alam na alam ko na walang magagawa ang bagay na iyon para mabago ang naka-default na defense mechanism ko.

"Mag nobyo na raw kami?"

"Boyfriend ko na sya?"

"Girlfriend niya ko?"

"Pero ganito ba talaga yun?"

"Ganito ba ang usong pakikipagnobyo ngayon?"

"Ano naman kaya ang sasabihin ni Peridot pag nalaman niya ito?"

Lahat yan ay wala sa loob kong nililitanya habang naghuhugas ng ilang kagamitan ko sa pag b-bake ng cake.

"Hindi naman niya ako hinarana, hindi rin pinag sibak ng kahoy o kaya pinag-igib ng tubig." Tila kausap ko ang mga spatula at measuring spoon.

"Pero sabagay hindi naman ako nagluluto sa kahoy, binili pa nga niya ako ng bagong kagamitan sa kusina, at pina-renovate din niya ang bahay, pati banyo, at hindi lang pinaayos, ang maganda pa nga pinalagyan niya ng hot ang cold shower. Tapos di naman siya naniningil, ni hindi niya pinakita na dapat ko siyang bayaran o na may utang na loob akong dapat tanawin sa kanya." Pagdedepensa ko naman sa side ni sir Silver.

"Pwede na rin siguro yun. Okay na rin siguro yun, para makabawi naman ako kahit kaunti sa mga pagpapahiya ko sa kanya sa tuwing gusto niyang makipaglapit sa akin." Bulong ko. Ilang sandali pa ng paglilitanya kong mag isa habang nagtatrabaho sa kusina ay tumunog na ang timer ko. It's time to finish my Dark Chocolate Champagne mousse na gawa ko. I took out of the refrigerator, and started to put the final touches and design to make it look luscious & beautiful. Bakit ako nag bake ng cake kahit wala namang order sa akin? Yan ay dahil ilang araw na akong hindi makapag concentrate sa mga gawain ko, at ito ang stress release ko. Puro si sir... este si Silver na lang at ang deal namin ang nasa isip ko.

"Vriella! Itigil mo na yan kaiisip sa deal na yan. Bahala na si batman o si spiderman o kaya si superman. Hmn? Tama mas cute si superman siya na lang ang bahala." I'm loosing my mind here. Ugh!

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon